Header Ads

Mag-inang may 24 age gap, pinahanga ang publiko dahil sa kanilang taglay na kagandahan

Larawan ay mula sa Google


Napakatatag talaga ng relasyon ng ina sa kanyang anak lalo na kapag nagkakasundo sila sa iisang bagay. Pinatunayan nga ito ng mag-ina na sa unang tingin ay tila magkapatid lamang. Kamangha-mangha rin ang taglay nilang kagandahan.
Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Nakilala ang ina bilang si Joleen Diaz, 43 taong gulang, at ang anak naman niyang 19 na taong gulang na si Meilani Pranks. Mahilig silang mamasyal, pumunta ng beach, at magsuot ng magagarang damit. Nagba-bonding na nga sila sa pamamagitan ng paggawa ng mga simpleng bagay na ito.
Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Nalilito na nga ang mga taong nakakikita sa kanila dahil mukhang bata ang ina ni Pranks. Hindi nga raw agad nalalaman kung sino ang ina at ang anak dahil sa tila magkalapit lang ang edad nilang dalawa. Bukod dito, pareho rin daw sila ng interes at hilig.

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google
Nang tanungin naman si Diaz kung ano nga ba ang sikreto niya sa pagkakaroon ng batang itsura at pangangatawan, sinabi niyang aktibo ang kanyang lifestyle at ang kanyang mga kinakain ay pawang masusustansiya. May paraan din daw siya upang mapangalagaan ang kanyang balat.
Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Si Diaz ay isang guro. Kahit maaga niyang ipinagbuntis ang kanyang anak at mag-isa niya rin itong pinalaki, hindi siya nagkulang sa pagkalinga rito. Ipinangako niya sa kanyang sarili na mamahalin niya si Pranks at aalagaan ng husto sa abot ng kanyang makakaya.


Source: juantambayan

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.