Header Ads

John Regala, naging emosyal matapos makausap muli ang kanyang unang asawa sa programa ni Idol Raffy Tulfo

Source: Raffy Tulfo in Action

John Regala, nagkaroon ng pagkakataong makausap muli ang kanyang unang asawa na nasa Amerika sa pamamagitan ng programa ni idol Raffy Tulfo. Naging madamdamin ang kanilang paguusap at maraming netizens ang napaluha sa kanilang kanilang usapan.

Si Aurina Alvarez Manansala o kilala sa tawag na "Au-au" ay pumayag sa imbetasyon ng programa ni idol Raffy para mapanayam ulit nito ang dating asawa.

Sa simula pa lamang ng episode, nilinaw ni Raffy na hindi ito ang babae na tinutukoy ni John na nang-iwan sa kanya sa ng maubos na ang kanyang pera at hindi na siya mapakinabangan. Sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaanan, hindi niya pinabayaan ang aktor at patuloy siyang nagpapada ng perang supporta lalo na sa panahong ito'y nangangailangan.


Ayon pa kay Au-au, ikinasal sila ng aktor noong siya ay 16 lamang at nagtagal ang kanilang pagsasama ng anim na taon bago sila mag hiwalay. Hindi binanggit ni Aurina ang dahilan ng kanilang hiwalayan dahil ayaw na raw nito balikan ang nakaraan.

Mayroon silang anak na si John Paul Kiefer at maayos daw ang kanilang relasyon bago sila manirahan ng amerika.


Ngayon, nais ni Kiefer na tulungan ang aktor upang makasama ulit ang kanyang ama sa amerika. Naghahanda raw ng bahay si Kiefer sa US para sa kanyang ama upang magkasama sila ulit matapos ang mahabang panahon na hindi pagkikita.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.