Header Ads

Millenial sa Cotabato na dropped out sa kolehiyo, nakita ang layunin sa pagsasaka

Larawan ay mula sa thedailysentry


P
agsasaka ang karaniwang kabuhayan ng mga taong naninirahan sa probinsya. Hinihikayat ng ibang mga magulang na magsasaka ang kanilang mga anak na ipagpatuloy ang pagpapa-unlad sa kanilang mga sakahan.

Ngunit, ang ilan sa mga kabataan ngayon ay mas pinipiling makapunta sa mga siyudad.

Gayunpaman, ating tingnan ang kuwento ni Jerick Javier Clerigo na ibinahagi ng Manila Bulletin.

Pahayag ni Clerigo, hindi siya mahilig magsaka noong siya ay bata pa kahit na hinihikayat siya ng kanyang mga magulang.

Ayon sa kanya, “I was being encouraged by my parents to engage in farming activities, but I really disliked farming.”

Kwento pa niya, matapos niyang mag-dropped out sa Ateneo De Davao Univeristy ay natuklasan niya ang kanyang interes sa pagsasaka.

Larawan ay mula sa thedailysentry

“I felt lost, thus, I tried finding my purpose in life. I started by taking a business course that was not precisely related to farming,” dagdag pa ni Clerigo.

Ito na pala ang magiging daan upang matagpuan niya ang nais niyang gawin sa kanyang buhay.

Nag-aral muli si Clerigo at nagtapos sa Notre Dame of Kidapawan College sa kursong Business Administration Major in Marketing, na nagagamit niya upang pagyamanin ang negosyo sa bukid.

Pinapatakbo na ngayon ni Clerigo ang 2.1 ektaryang sakahan, maging ang 28 ektaryang pag-aari ng kanyang mga magulang.

Larawan ay mula sa thedailysentry

Kilala bilang JC Agri Farm ang kanilang bukid, na ipinangalan mula sa inisyal ng kanyang ama, na tugma rin sa inisyal ng kanyang pangalan.

Bukod dito, may iba pang sideline ang millennial na magsasaka.

Aniya, “I do delve in sidelines from time to time like selling bamboo straws and value-added products such as ice creams that derived from the farm’s crops.”

Makikita sa Kidapawan City, Cotabato ang JC Agri Farm na sinimulang pangasiwaan ni Clerigo noong Oktubre 2015.

Nang tanungin siya kung bakit saging at goma ang pangunahing pananim sa bukid ng kanilang pamilya, paliwanag niya, “These crops are valued in our city. Our family is traditionally banana growers. Moreover, the soil profile of our lot suits these specific crops.”

Sa ngayon, ang bukid ay mayroong 5000 puno ng saging at 3000 na puno ng goma. Mayroon din silang mangosteen at durian, cauliflower, niyog, strawberry, at broccoli.

Noong una, hindi raw naging madali para kay Clerigo na patakbuhin ang bukid nila. Dahil na rin daw ito sa mga hamon sa kanya tulad ng pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka.

“There was a gap in understanding them at times. I had to understand the troubles that my farmers were going through to maintain the quality of our workers. There was a constant effort to gain the trust of my farmers so that they would perform well. But I learned that it was crucial to treat them as my own. I had to treat them as individuals rather than mere workers.”

Dati ay mayroon lamang daw siyang dalawang katulong sa pag-aasikaso sa 2.1 ektarya at 28 ektaryang bukid ng kanyang mga magulang. Sa kasalukuyan ay mayroon na silang 15 manggagawa sa bukid.

Nakakukuha ng libreng pagkain, tirahan, kuryente, at tubig ang kanilang mga magsasaka. Puwede rin silang magtanim ng kanilang gusto upang may maibenta para kumita ng ekstrang pera.




Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.