Header Ads

Muntikan nang masira ng isang sikat na chocolate candy ang Buhay ng Batang Ito

Source: Boo Boo TV

Mahilig ang mga bata sa mga pagkaing matatamis tulad ng kendi o tsokolate. Kung minsan nama’y mga sitsirya. Madalas kasi itong gawing pangmeryenda sa mga bata. Ngunit, alam naman natin na hindi lahat ng mga pagkain ay may mabuting dulot sa kalusugan. Ang mga pagkaing ito, kapag nasobrahan, ay nakasasama at nakapagdudulot din ito ng sakit. At kapag hindi agad nalaman ang masamang epekto nito ay maaari itong ikamatay. 


Sa ibinahaging post ng nagngangalang Ryan Itallo, sinabi niya na kumain ng Kinder Joy ang kanyang anak. Ang Kinder Joy ay isa sa mga sikat na brand ng pagkaing kinahuhumalingan ng mga bata.

Ngunit, isang umaga, nakita na lamang niya ang anak na si Guro na namamaga na ang itsura. 

Source: Boo Boo TV
Source: Boo Boo TV

Dinala agad nila sa ospital ang bata. Mabuti na lamang dahil binigyan kaagad sila ng doktor ng mga gamot.

Noong una, inakala nilang kagat lamang ng insekto ang sanhi ng pamamaga. Ngunit, isang linggo na ang lumipas ay lalo itong lumala; hanggang sa umabot na nga ito ng isang taon. 

Source: Boo Boo TV

Nang kumunsulta sila sa doktor, sinabi nitong alamin muna nila ang bawat pagkaing pinapakain kay Guro sa loob ng dalawang linggo.

At matapos nga ang dalawang linggo, nalaman nilang Kinder Joy pala ang sanhi ng sakit ng bata.

Gumaling ang bata matapos nitong ihinto ang pagkain sa nasabing produkto. 

Sa katunayan, ang Kinder Joy raw pala ay banned na sa ibang bansa dahil mayroon daw itong wax coating na ginagamit sa Styrofoam containers na nakapagdudulot umano ng cancer. Kaya mainam na palaging tingnan at suriin ang mga pagkaing kinakain lalo na ng mga bata.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.