Header Ads

Nakakadenang ASO, umulan man o umaraw pinagbabantay ng palaisdaan.

Larawan ay mula sa pinasbalita


N
anawagan ang isang concerned citizen sa Facebook matapos matagpuan ang isang kawawang aso na pinababayaan lamang na maarawan at maulanan habang nagbabantay ng palaisdaan. Natagpuan ang naturang aso sa Phase 3 Lynville subd. Brgy. Calios, Sta. Cruz, Laguna.

Kawawang Aso Nakakadena At Pinagbabantay Ng Palaisdaan Ulan Man O Araw 2
Larawan ay mula sa pinasbalita

Nagpahayag ng panawagan ang citizen na hindi na nagpakilala dahil naaawa ito sa nakataling aso sa gilid ng palaisdaan.

Hindi niya natiis na makita ang aso na hinahayaang wala man lang tubig at pagkain habang iniinda ang init ng araw at buhos ng ulan.

Kawawang Aso Nakakadena At Pinagbabantay Ng Palaisdaan Ulan Man O Araw 3

Larawan ay mula sa pinasbalita

Sa i-p-in-ost na larawan sa Facebook, makikitang namamayat na ang aso na nakaupo lamang at tila hinihintay ang kanyang amo.

Pahayag ng saksi, hindi niya tiyak kung naaalagaan ba ang aso at nakikita rin niyang nagpapakain ng iba pang alagang hayop ang caretaker.

Kawawang Aso Nakakadena At Pinagbabantay Ng Palaisdaan Ulan Man O Araw 4

Larawan ay mula sa pinasbalita

Dahil sa pagbabahagi ng concerned citizen tungkol sa balitang ito sa Facebook page na “Animal Rescue PH,” naging daan ito upang malaman ng publiko ang kalagayan ng nasabing aso.

Kawawang Aso Nakakadena At Pinagbabantay Ng Palaisdaan Ulan Man O Araw 5

Larawan ay mula sa pinasbalita

Kawawang Aso Nakakadena At Pinagbabantay Ng Palaisdaan Ulan Man O Araw 6

Larawan ay mula sa pinasbalita

Nakisimpatya naman ang ibang netizens nang makita ang post. Nais naman ng iba na mai-report ito sa barangay o mahanap man lamang para ampunin.

Isang netizen ang pumunta sa lokasyon ng aso ngunit wala na raw doon ang naturang hayop.

Kawawang Aso Nakakadena At Pinagbabantay Ng Palaisdaan Ulan Man O Araw 7

Larawan ay mula sa pinasbalita

Hindi sigurado ang mga netizens kung ano nga ba talaga ang nangyari matapos maisapubliko ang post.

Ngunit makalipas ang ilang araw, naidulog na umano sa barangay ang kalagayan ng aso.


Source: pinasbalita

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.