Header Ads

Netizen tiniketan pa rin kahit emergency

Larawan ay mula sa thedailysentry

Isinailalim muli sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Metro Manila, maging ang ilang probinsiya, nitong Agosto 14-18 matapos ang pakiusap ng mga health workers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, hindi na naman maaaring lumabas o pumunta kung saan-saan ang mga tao. Tanging ang mga may quarantine pass lamang ang puwedeng lumabas para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Larawan ay mula sa thedailysentry


Ngunit may ilan pa ring gumagawa ng hindi tama dahil kahit hindi man ito gustong gawin ay wala namang ibang pagpipilian.

Kagaya na lamang ng netizen na si Vanessa Ignacio. Kinailangan niya kasing puntahan ang kanyang ina na may sakit sa Navotas upang asikasuhin at bantayan.

Sabi ni Ignacio, “PUMASOK PO AKO DYAN KAILANGAN KO PONG BANTAYAN NANAY KO AT ASIKASUHIN DAHIL DI NGA PO SYA MAKALAKAD.”

Akala nga raw ni Ignacio, hindi siya huhulihin dahil dala naman daw niya ang kanyang quarantine pass. Subalit, tiniketan pa rin umano siya at kinailangan niya pang magbayad ng P1,000 para dito.

Aniya, ang isang libong piso na ibabayad niya ay pambili sana ng gamot at iba pang pangangailangan ng kanyang nanay.

Larawan ay mula sa thedailysentry

Larawan ay mula sa thedailysentry

Sinubukan din daw niya na makiusap ngunit sa huli ay hindi siya pinakinggan ng taong humuli sa kanya.

Narito ang kanyang buong post:

“Wazzup NAVOTAS 😏😏 NAVOTAAS ?? HAHAHAHAHAHA. DI PO AKO PUMASOK NG NAVOTAS PARA GUMALA MGA SIR. PUMASOK PO AKO DYAN DAHIL KAILANGAN KO PONG BANTAYAN NANAY KO AT ASIKASUHIN DAHIL DI NGA PO SYA MAKALAKAD . NAKIUSAP NAMAN PO AKO NG MAAYOS DIBA ? NILALAYUAN NYO PO KAMI NA PARANG MAY SAKIT KAMI . 3 DAYS NA PO AKO PABALIK BALIK DYAN . OPO 3 DAYS NA PO BAGO AKO MATIKITAN AT WALA PONG NAG WARNING NA BAWAL PALA UNG QUARANTINE PASS KO . YUNG 1K PO NA NASAYANG NAMIN SA PAG BABAYAD SA INYO , PAMBILI SANA YUN NG GAMOT , VITAMINS , AT PANGANGAILANGAN NG NANAY KO . NAIINTINDIHAN KO NAMAN PO NA KAILANGAN MAG HIGPIT MGA SIR . KASO DI PO BA KATANGGAP TANGGAP UNG REASON NA INEEXPLAIN KO SA INYO ?? SHOUTOUT PO SA INYO DYAN MGA SIR AH LALONG LALO NA PO UNG NAGBABANTAY SA MAY HARANG. GOD BLESS NA LANG PO SAYO . SANA MAGKAROON KA NG AWA DYAN SA PUSO MO.”


Source: thedailysentry


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.