Header Ads

Salaulang Chinese National, Dumura sa Loob mismo Ng isang Fastfood Chain

Larawan: Screenshot mula sa post ni Baby Aquino


I
sang video ang kumakalat ngayon sa social media na kina-inisan ngayon ng maraming netizens.

Sa video post ni Baby Aquino, makikita ang isang Chinese national na lalaki na nagdura sa loob mismo ng fastfood restaurant sa Maynila.

Sa video ay makikita ang girian o sagutan ng Chinese national at ng guard ng restawran. Ngunit tila hindi magkaintindihan ang dalawa dahil sa language barrier.

Makikita din na galit na galit ang Chinese national at panay ang litanya sa gwardyang nakakasagutan.

Ayon sa post ni Baby Aquino: “Ganito kabastos at salaula ang mga chekwa galing Mainland China. Isang Chinese national ang sinaway ng security guard ng Mc Donald’s Masangakay sa Lungsod ng Maynila dahil sa ilang beses etong dumura sa sahig kagabi.”

Dagdag pa niya, “Siya pa mas galit ng sinaway ng naturang guard. Dapat pinadampot niyo na sa pulis šŸ˜”šŸ˜”šŸ˜””

Ibalita naman ng Manila Public Information Office ang pagkakadakip sa Chinese national na huli sa video ang pambabastos sa isang security guard na nanita rito dahil sa pagdura nito sa loob ng isang fast food chain sa Masangkay, Tondo Maynila.

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko ang pagdakip sa nasabing Chinese national matapos mag-viral ang bidyo nito.

Kinilala ang inarestong Chinese bilang si Jinxiong Cai, 35-anyos na mula sa Mainland, China. Kilala din ito sa pangalang Willy Choi. Isa itong negosyante at kasalukuyang nakatira sa Orchard Garden sa Masangkay St., Tondo, Maynila.

Ayon sa balita, naiinip daw umano ang Intsik dahil sa matagal dumating ang kanyang order. Binastos din umano nito ang mga crew ng fast food chain at nang subukang pakalmahin ng gwardya ay mas lalo pang naging arogante ang Chinese national.

Dagdag pa dito ay may mga nadamage ito na dalawang motorsiklo na tinulak umano nito bago pumasok sa fast food chain.

Larawan ay mula sa Manila Public Information Office . Facebook Page


Nahaharap ito sa tatlong kaso, Violation of Article 200, 287, and 327 of Revised Penal Code. Kakaharapin nito ang mga kasong grave scandal, unjust vexation, at malicious mischief.





Source: Baby Aquino - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.