Header Ads

Tignan: 25 larawang tanyag na landmark mula sa old manila

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Ang Metro Manila na kilala ng lahat ngayon ay abala, matao, at madalas makaranas ng “trafficarmageddon.” Ngunit kahit hindi man kapani-paniwala, minsan ding pinuri ang Maynila “for its opulence and decadence,” at tinawag din itong “The Pearl of the Orient.”

Kahit halos lahat ng kanyang mga arkitektura ay nasira noong panahon ng World War II, nanatili pa rin ang ilan nitong landmarks. Patunay lamang ito na ang Maynila ay buhay at isang “dynamic city with a growing and diverse population.”

Sa website ng esquiremag.ph, ating tuklasin ang dating imahe ng lugar at bagay sa Metro Manila sa iba’t ibang panahon.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Avenida Rizal – Noong 1920s, habang ang Escolta ang siyang nagsusuplay sa mga upper class, ang Avenida Rizal naman ay mas kilala ng masa. Ito ang lugar kung saan sila puwedeng kumain at bumili sa mga tindahan tulad ng Bata and Otis Department Store. Dagdag pa rito, “The old tranvia also traversed the length of the avenue.”

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Tutuban Station – Sa katunayan, ang Tutuban Station ng Manila Railroad Company, na siyang nagpapatakbo sa Manila-Dagupan trail noong 1890s, ay ang dating tahanan ni Don Pedro Sy-Quia y Encarnacion at ang kabiyak niyang si Doña Asuncion Michel de Champourcin. Ito na ngayon ang Tutuban Mall.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Matorco – Ang Pilipinas ay mayroon dating double-decker buses na tinatawag na Matorco, na bumabiyahe sa Luneta at Roxas Boulevard (na dating Dewey Boulevard) route. Na-phase out ito noong 1980s. Noong 1975, para makasakay sa Matorco, 20 centavos ang kailangan ng bawat katao at ang mga batang “below one meter” ay maaaring makasakay ng libre. Huminto ang operasyon nito noong 1994.

Santa Ana Cabaret – Ang Santa Ana Cabaret ay ang lugar kung saan nagpapalipas ng oras ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo. Sinasabi ng advertisements ng cabaret na ito raw ang pinakamalaki sa buong mundo. Ang larawang makikita ay kuha noong Disyembre 1941, ilang linggo bago inatake ng mga Hapon ang Maynila.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Manila Yacht Club – Naitatag ang Manila Yacht Club noong Enero 1927 nang ang mga una nitong miyembro na sina James C. Rockwell, Joseph A. Thomas, Aubrey P. Ames, Stewart A. Tait, and A.S. Heyward, ay pumirma sa by-laws nito. Noong panahon ng digmaan, nahinto ang sport sailing at kinumpiska ng mga Amerikano ang mga bangka sa takot na baka gamitin ito ng mga Hapones sa pag-atake sa Corregidor.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Crystal Arcade – Ang Crystal Arcade sa Escolta noong 1930s ang siyang nag-enclose sa Manila Stock Exchange at isa sa mga unang mall sa bansa. Ito ay air-conditioned na madalang lamang sa mga gusali noong panahong iyon. Ayon pa sa website, “The art deco building also featured upscale stores, which included Marina Rae’s Candies and Exchange Café.”

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Binondo Canal – “Manila had its own version of gondolas in the form of bamboo floats.” Nabanggit ni Jose Rizal ang kanal na ito, na bahagi ng Ilog Pasig, sa Noli Me Tangere. Sinabi niyang ang mga tao ay madalas mamingwit sa ilog at ang mga bamboo floats ay naghahatid ng gamit at iba pang produkto sa ibang bahagi ng siyudad.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Parañaque Salt Farm – Ang Timog ay hindi lamang tahanan ng mga eksklusibong subdibisyon dahil noong 1940s, mayroon silang mga farm kung saan nakukuha ang asin mula sa tubig-dagat.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Palma Hall, University of the Philippines, Diliman – Ang litrato ay isang eksenang nakunan sa Palma Hall o A.S. mula sa LVN film na “Tia Lolen” noong 1952. Bumida rito sina Armando Goyena, Tessie Quintana, Nida Blanca, Priscilla Cellona, at Cesar Salazar. Ang kuwento ng pelikula ay may pagkakatulad sa pelikulang “Mrs. Doubtfire” ni Robin Williams na nagawa makalipas ng ilang dekada.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Jai Alai Stadium – Isa sa mga “finest buildings” sa Taft Avenue noong 1940s ang Jai Alai Stadium. Ang malaking playing court ay nakapuwesto sa isang tabi ng gusali. Dagdag pa rito, “Spectators watched from three levels behind a glass wall at the other end. Dinners and cocktails were served on the top floor, called the Sky Room.”

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Quiapo – ang Quaipo, na madalas mabanggit na “busy district,” ay tinawag ding “Old Downtown of Manila.” Kilala ang “Ilalim ng Tulay” nito bilang pinagkukunan ng mga “native products” at pasalubong. Ang larawan ay kuha noong 1950s at 1970s, kung saan ipinapakita ang mga “usual vendors” ng Quiapo at hindi gaanong matrapik.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Pier 7 – Ginawa ang Pier 7 noong 1918. Sa habang 1,000 feet long, kinilala ito bilang “Million Dollar Pier” dahil taglay nito ang pinakamahabang “passenger pier” sa buong mundo noong panahong iyon. Gumastos ang pamahalaan ng P12 milyon para sa konstruksyon nito.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Araneta Coliseum – Kilala rin bilang Big Dome, ang Araneta Coliseum ay isang multi-purpose area sa Cubao, Quezon City. Taong 1952, binili ni J.Amado Araneta ang 35-ektaryang lupa kung saan nakatayo ang coliseum ngayon. Sinimulan ang konstruksyon nito noong 1957 at natapos noong 1959.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

EDSA – Wala pang flyovers at MRT ang Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) noong huling bahagi ng 1980s hanggang sa simula ng 1990s. Nakapaligid dito ang iilang gusali, restawran at mall.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Jones Bridge – Ipinangalan ang tulay na ito kay William Atkinson Jones na siyang principal author ng Philippine Autonomy Act of 1916, at dinisenyo naman ng arkitektong si Juan M. Arellano. Ayon pa sa naturang website, “The entrances to the bridge had pillars topped with statues. The bridge was reconstructed after World War II but is now bare in design.”

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Manila International Air Terminal – Kilala na ngayon ang Manila International Air Terminal bilang Nielson Tower, na nag-e-enclose sa Filipinas Heritage Library at ngayon ay Blackbird. Ginawa ito noong 1937 at nagsilbing “control tower and passenger depot” ng airport. “It was situated in Makati because Paseo de Roxas and Makati Avenue used to be runways.”

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Escolta – Bago naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kilala ang Escolta bilang “Manila’s Wall Street.” Ito ang “country’s first commercial district” kung saan dito naglilibang ang mga mayayaman at tanyag na tao. Sa kasamaang palad, halos lahat ng gusali nito ay nasira noong digmaan.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Bullfights – Ginaganap ang mga bullfight sa Maynila simula pa noong 1890s, kung saan ang local talents at mga hayop ang kasali sa madugong laro. Ang huling laro dito ay naitala noong idinaos ang Manila International Fair sa sunken garden na malapit sa Intramuros at Manila City Hall, taong 1953.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Manila Metropolitan Theater – Nakunan ang litratong ito ng MET noong 1930s. Ito ay isa sa pinakaprominenteng theater noong panahong iyon, kung saan nagtatanghal ang mga local at international artists. Nagpatuloy ang mga palabas kahit noong Japanese occupation, para ipakita ang suporta sa underground resistance.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Sarao Jeeps – Ang Sarao ang unang kompanyang gumawa ng mga jeepneys, simula pa noong taong 1953. Kasama ng Francisco Motors, ang naturang brand ang siyang gumagawa ng mga jeepney noong panahong iyon.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Roxas Boulevard – Dati itong tinatawag na Dewey Boulevard, at ang larawan ng Roxas Boulevard na kuha noong 1950s ay nagpapakita na ang Maynila ay minsan nang nagkaroon ng “less congested streets.” Ang pamilyang nagugutom dahil sa pamamasyal ay maaaring bumili sa mga tinderong nagbebenta ng grilled corn, ice cream, at iba pa.

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Pasig River – Noon, nilalabhan ng mga tao ang kanilang mga damit sa Ilog Pasig. Dagdag pa rito, “In this photo taken during early 20th Century, Filipinos did their laundry on the steps that extended to the Aduana Building or Intendencia, which housed several government offices durig the Spanish colonial period.”

Larawan ay mula sa esquiremag.ph

Luneta Park – Wala pang parke o kahit “obstrusive buildings” na nakapaligid sa Rizal monument, na makikita sa litratong kuha noong 1940s. Ang shrine na ito na alay sa pambansang bayani ay unang binuksan noong Disyembre 30, 1913, ang ika-17 anibersaryo ng kamatayan ni Rizal.

Source: esquiremag.ph

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.