Apat na Lalaki, Arestado matapos gumawa ng Prank na sana´y content sa kanilang Vlog
Larawan ay mula sa INQUIRER.net - Facebook Page |
Huli ang apat na binata nang gumawa sila ng “prank” sa tabi ng kalsada sa Valenzuela City nito lamang Linggo, Setyembre 06.
Ayon sa Facebook post ng “INQUIRER.net,” gagawa raw sana ng “prank” ang mga ito sa mga nagdaraang tao sa nasabing lugar sa pamamagitan ng pagsisilid sa isa nilang kasama sa isang sako, saka magpapanggap na patay. Subalit ang hindi nila alam, hindi ito ikinatuwa ng mga pulis na nakakita sa kanila.
Kinilala ang mga “pranksters” na sina Mark Francis Habagat, 20; Mark Aldrin Arce, 20; Chris Bayron, 20; at Wynzel Tan, 19.
Rumesponde raw kasi ang mga awtoridad nang tumawag sa kanila ang isang “concerned citizen” tungkol sa isang “unidentified person” na isinilid umano sa loob ng isang sako saka itinapon sa bahagi ng Barangay Paso De Blas.
Larawan ay mula sa INQUIRER.net - Facebook Page
Larawan ay mula sa INQUIRER.net - Facebook Page
Dito, nadiskubre ng mga pulis na si Habagat ang taong nasa loob ng sako subalit buhay na buhay naman ito; nakita rin nila ang kaniyang mga kaibigan na nagtatago habang kinukuhanan ng video ang nasabing pangyayari.
Larawan ay mula sa INQUIRER.net - Facebook Page
Larawan ay mula sa INQUIRER.net - Facebook Page
Ayon sa imbestigasyon, umamin daw ang mga suspek na sinusubukan lamang daw nilang mag-“prank” at saka ito i-a-upload sa social media.
Ayon pa rin sa nasabing post, “The suspects are now facing charges for causing alarm and scandal and were issued a violation receipt for violating the ordinance on social distancing and the mandatory use of quarantine pass.”
Larawan ay mula sa INQUIRER.net - Facebook Page
Umani naman ito ng samot-saring komento mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanila:
“Lesson learned. Not all Pranks ate funny. Oftentimes it causes a Nuisance or disturbance.”
“Congratulations! You guys went viral. But the other way around.”
“Prank gone wrong. Tsk tsk sabi kse stay at home.”
“this is the dark side of social media.. people are craving for so much attention that they would do anything stupid just to get more likes, shares, views, etc..”
“They think pranks makes people happy, but will vanish trust and respect. Soon no one will identify between the truth and lies in real situation because of prank. It will lead to confussion. Theres no good in all pranks.”
Source: INQUIRER.net - Facebook Page
Source: Furry Category
No comments