Header Ads

Laking "CREAM DORY" ang nahuli sa Marikina River na halos nasa 25.5 kilo


Larawan ay mula sa noypiako

Nahuli ang isang 25.5 kilo na “cream dory” sa Marikina River. At para sa mga mangingisdang umaasa lamang sa ilog, patunay raw itong nagbubunga na ang rehabilitasyon at pangangalaga ng Marikina Local Government Unit (LGU) sa ilog.

Masayang-masaya raw ang mga mangingisda nang mahuli nila ang isdang ito. Patunay lamang daw ito na unti-unti nang nanunumbalik ang kalinisan ng ilog sa naturang lungsod, dahil na rin sa rehabilitasyong pinamumunuan ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro.

Larawan ay mula sa noypiako


Ang “cream dory” ay isang uri ng isdang inilalarawan bilang “large-eyed, silvery, deep-bodied, laterally compressed, and roughly discoid marine fish.”

Larawan ay mula sa noypiako

Isa kasi ang Marikina City sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na mabilis bahain. Kapag nangyayari raw ito, mabilis na napupunta sa nasabing ilog ang mga dumi, idagdag pa ang pagtatapon dito ng basura ng ilang mga taong walang disiplina.

Samantala, umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanila:

“Sana lahat ng ilog nililinis yung iba kasi ginagawang tapunan ng basura.”

“..hindi pa po huli sa aking mga kapwa-Pilipino na mahalin natin an gating yamang kalikasan magkaroon lamang po tayo ng disiplina.”

“Ito ang resulta ng paghihigpit ng kanilang lokal na pamahalaan, kaya kung tayo po ay susunod, tayo rin po ang aani ng kabutihan.”



Source: noypiako

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.