Header Ads

Babaeng inabutan ng pangangak sa may tabi ng highway, tinulungan ng mga Police Trainess

Larawan: Screenshot mula sa UNTV News and Rescue - Youtube Channel

Kapag may taong nangangailangan, may ilan sa atin na hindi na nagdadalawang-isip pa na magbigay ng tulong. Kahit na anong mangyari, taos sa kanilang puso ang paggawa ng kabutihan sa iba. Walang pinipiling tao o oras ang isang tao kung handa siyang paglingkuran ang kanyang kapuwa para sa ikabubuti ng lahat.

Nadaanan ng mga pulis, bandang alas-sais ng umaga noong Setyembre 01, habang nasa on-going field training program at physical run, ang isang buntis na nasa akto na ng panganganak sa kahabaan ng McArthur Highway sa Davao City.

Ayon sa ulat, papunta na raw ang babae sa ospital at naghihintay ng masasakyan nang bigla siyang makaramdam ng “birth pain” sa lansangan.

Larawan: Screenshot mula sa UNTV News and Rescue - Youtube Channel

Larawan: Screenshot mula sa UNTV News and Rescue - Youtube Channel

Tinulungan naman agad ang babae ng mga police trainee, kasama ang kanilang field training officers, at tinawagan ang kanilang stationers upang magbigay ng assistance sa misis.

Larawan: Screenshot mula sa UNTV News and Rescue - Youtube Channel

Larawan: Screenshot mula sa UNTV News and Rescue - Youtube Channel

Ilang minuto ang lumipas, isang sanggol na babae ang ipinanganak ng babae at agad silang isinugod sa isang ospital sa Davao City, sakay ng patrol car, para mabigyan ng medical attention.

Pinuri naman ang mabilis na pag-aksyon ng mga police trainee sa nasabing pangyayari.




Source: UNTV News and Rescue - Youtube Channel

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.