Header Ads

Bihasa: Isang babaeng scammer na bumibiktima ng mga delivery riders, nailantad na

Larawan ay mula sa Rae Scarlet - Facebook



Ikinuwento ng isang concerned citizen ang modus ng isang babaeng scammer na bumibiktima ng mga delivery riders. Nananawagan siya sa mga delivery riders na kung sakaling makita ito ay huwag nang pakawalan at ipapresinto na ito. Nanawagan din siya sa ibang tao na ibahagi ang kanyang post upang malaman pa ng iba at upang makatulong na rin sa mga rider.

Inilahad niya sa kanyang post ang hindi umanong magandang gawain na ginagawa ng babae sa mga delivery riders. Hindi raw niya maatim, bilang kliyente ng Mr. Speedy at Lalamove, ang mga pinaggagawa ng scammer sa kanyang mga biktima.

“Naaawa kase ako sa mga rider na maghapon na nagttrabaho tapos mappnta lang sa demonyo yung pinagpaguran nila. Madami pa yan naloko putanginang yan,” sabi ng naturang netizen.

ç
Larawan ay mula sa Rae Scarlet - Facebook

Larawan ay mula sa Rae Scarlet - Facebook

Larawan ay mula sa Rae Scarlet - Facebook

Larawan ay mula sa Rae Scarlet - Facebook


Dagdag pa rito, isinalaysay niya rin ang modus ng babaeng scammer: “magbubook si bugak, gagamit ng address for pickup pero HINDI talaga sya dun nakatira, take note, kung sansan pa nagppnta yan tuwing magbubook. FAKE ADDRESS , FAKE ID. BIHASA SI GAGA ! pano nakukunan si rider ng pera? Sa COD/ABONO sa apps. Matigas muka ni girl nagpapapicture pa amputa. Next time mugshot na tapos ganyan din ngiti ha ?”

Dahil dito, nanawagan siya sa mga kapwa niya kliyente ng mga delivery apps na matulungan sana ang mga delivery riders na nabiktima. Sa pamamagitan ng simpleng pag-share ng post, matutulungan na raw ang mga riders na nabiktima at maiwasang mabiktima ng nasabing scammer.

Galit na galit naman ang mga netizens tungkol sa nasabing post. May mga nag-mention din sa “Raffy Tulfo in Action.” Ibinahagi naman ng ibang delivery riders ang kanilang naging karanasan sa babaeng scammer at mahuli na nga raw sana ang babae.


Source: Rae Scarlet - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.