Lalaki, masuwerteng nakakita ng wallet na naglalaman ng $4,000 mula sa mga lumang damit na binili niya.
Larawan ay mula sa trendszilla |
Kumakalat na naman ngayon sa social media ang kuwento ng isang lalaking masuwerteng nakakita ng isang pitakang mayroong laman na $4,000 mula sa mga lumang damit na binili niya lamang sa halagang $24.
Plano ni Mohamad Adam Wan Mohamed, 29, na magtayo ng sarili niyang “thrift shop” o “ukay-ukay” sa Kampung Tualang Salak, Kelantan, Malaysia. Kaya naman, nagpupunta siya sa isang warehouse upang bumili ng mga damit na kaniya namang ibebenta kalaunan. Ilang beses na raw siyang bumibili ng damit sa nasabing warehouse subalit tila pumanig sa kaniya ang suwerte, isang araw, nang makuha niya ang isang pantalon.
Noong January 13, 2019, nagtungo muli si Mohamed sa naturang warehouse. Dito ay bumili siya ng “two bundles of clothes” na binayaran niya ng $24. Bumalik siya sa kaniyang tindahan, saka sinimulang ayusin ang mga bago niyang ipinamiling gamit.
Nang inaayos niya na raw ang mga damit, biglang nakita ni Mohamed ang isang itim na pitaka sa loob ng bulsa ng isang pantalon. Doon niya rin nadiskubreng punung-puno ng pera ang nasabing pitaka!
Ani ng nasurpresang lalaki, “I was shocked to see so much cash in it and after counting the money, I took some pictures and uploaded it on Facebook at 9.20pm.”
Dagdag pa niya, gagamitin niya raw ang perang ito upang mapa-unlad pa ang kaniyang negosyo balang araw.
“I’ve changed 450,000 yen into local currency (approx.. RM16,800 or $4,150) and the rest will be kept as a memory. I will use the money to expand my business in the future.”
Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga netizens nang mag-viral ang post na ito ni Mohamed. May ilang humanga at tila naiinggit pa sa kaniya dahil masuwerte raw siya’t nakakita siya ng ganitong kalaking halaga.
Sa kabilang banda naman, may mga netizens ang nagsasabing dapat ay isinangguni niya muna ito sa mga awtoridad upang hanapin ang totoong nagmamay-ari nito.
Source: trendszilla
Source: Furry Category
No comments