Header Ads

Mga OFW na may mga College Beneficiary, maaari raw makakuha ng Php 30,000 financial assistance mula sa DOLE-CHED

Larawan ay mula sa The Young Observer - Youtube Channel


Maaari umanong makakuha ang mga kuwalipikidong Overseas Filipino Workers (OFW) na may mga college beneficiary na apektado ng coronavirus pandemic ng financial assistance mula sa DOLE-CHED na nagkakahalaga ng P30,000.

Ito ay ayon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pagpupulong kasama ang ilang opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang ipamalita sa publiko ang mga bagong panuntunan sa mga susunod na araw sa mga lugar na saklaw ng quarantine measures.

“Ngayon, dito sa effect ng COVID sa pag-aaral ng ating mga anak, kailangan natin na tulungan, lalo na the tertiary education subsidy for independence of displaced, non-returning, repatriated or deceased OFWs due to COVID-19,” ani Pangulong Duterte sa isang video clip na i-p-in-ost ng “The Young Observer” sa kanilang YouTube channel.

Dagdag pa ng pangulo, ang nasabing subsidiya ay ibibigay sa “one college level beneficiary” na anak ng isang OFW na naka-enroll na o may balak pa lamang na mag-enroll sa mga state universities o colleges, o sa mga pribadong unibersidad na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) sa darating na School Year (S.Y.) 2020.

“Ang tulong po sa edukasyon sa mga anak niyong ito is one time grant of P30,000.”

Ang proyektong ito raw ay naka-allot sa budget na aabot sa isang bilyong piso, na siyang ipamamahagi raw sa 33 estudyante mula sa 33 pamilya ng mga OFW.

“This is a project of Commission on Higher Education, or CHED, the Unified Financial Assistance System for Tertiary Education or UniFAST, in collaboration with the Department of Labor and Employment (DOLE).”

Pahayag pa ni Pangulong Duterte, maaari na raw kunin ng mga interesado rito ang mga detalye nito sa CHED, DOLE o sa OWWA (Overseas Workers Welfare Administration).



Source: The Young Observer - Youtube Channel

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.