Header Ads

Milyonaryang Pinay sa US, Hinihingan daw muna ng pera ng kapatid bago ipakausap sa ina sa Pinas

Source: Raffy Tulfo in Action

Humingi ng tulong sa programa ni idol Raffy Tulfo ang isang multi-millionaire na pinay na si Daisy Wells na naka base sa Texas, USA upang makausap ang kanyang ina na nasa Pilipinas.

Dumulog siya sa programa ni idol Raffy para ireklamo niya ang kanyang kapatid na nasa Pilipinas.

Dumating pa nga daw sa punto na patago na lamang niyang tinatawagan ang kaniyang nanay sa pamamagitan ng pamangkin. Kinakailangan pa nga ng mga ito lumabas ng kanilang bahay nang sa gayon ay makapag-usap sila.


Ayon kay Daisy, nasa 9 na buwan nang hindi niya nakakausap ang inang si Adeluisa Sanchez kaya labis ang pag-aalala dito.

Bago nito ay regular niyang nakakausap ang Ina at nakakamusta. May edad na ang kanyang Ina kaya hangga't maaari ay nais niya itong laging nakakamusta at nakakausap.

Kwento pa ni Daisy, sumama din daw ang kaniyang loob nang makita ang larawan ng kaniyang ina na iniiyakan ang larawan niya na mayroong nakasinding kandila.

Samantala, itinanggi naman ni Elourde lahat ng sinasabi ni Daisy laban sa kaniya na siya ang nagbi-brainwash sa kanilang ina. Sinabi ni Elourde na walang katotohanan ang mga paratang ni Daisy sa kaniya. Nakakausap naman daw ni Daisy ang kanilang ina sa pamamagitan ng video call.


Dumulog siya kay Idol dahil kailangan daw muna niyang magpadala ng pera sa kanyang kapatid na si Elourde Sanchez bago siya ipakausap sa kanyang nanay na magkasamang nakatira sa iisang bahay sa Pinas.

Agad namang kinausap ni Idol Raffy ang dalawang magkapatid upang sila ay magka ayos. Sa huli, nakumbinse at napag-ayos niya rin sila at nangako si ang milyonaryang Pinay na magpapadala ng mamahaling relo bilang pamasko para sa 7 niyang kapatid.

Panoorin ang buong episode:



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.