Babaeng ayaw magsuot ng mask at nandura pa ng pasahero, pinatalsik sa bus
Larawan: Screenshot mula sa video post ni Hafeez Noorani - Twitter |
Ang pagsusuot ng mask at social distancing ay napaka-importante sa panahon ito. Dahil ito ang pangunahing paraan upang makaiwas sa lumalaganap na v¡rus.
Dahil sa nararanasang krisis sa buong mundo sa kasalukuyan, pagsusuot ng mask isa sa mga ipinatutupad bilang proteksyon at makaiwas sa kumakalat na sak¡t.
Kaya naman maraming kwento ang viral sa social media ng hindi pagkakasundo ng ilan dulot ng hindi pagsunod ng iba sa napakasimpleng panuntunin na pagsusuot ng proteksyon at dagdag pa dyan ang mga nagrarally natutol sa pagsusuot ng mask.
Tulad na lang ng post ni Hafeez Noorani sa kanyang twitter account na viral ngayon sa social media ang video na dinuraan umano ng ginang na hindi nakasuot ng face mask, ang isang lalaking marahil ay sumita sakanya.
Labis na ikinagulat ng mga pasaherong nakasaksi at maging ng mga netizen na nakapanuod sa kumalat na video.
Mapapanuod sa video ang isang ginang sa loob ng bus habang nakatayo ito at walang suot na face mask.
Tila may nakasagutan ang nasabing babae na isa sa mga pasahero. Maya-maya pa ay may dinuraan na ito.
Ang sumunod na eksena ay labis na ikinabahala ng marami sapagkat tumayo ang isang lalaking naka-mask at pinagtutulak ang babaeng nandura.
Buong lakas na tinulak ng lalaki ang pasaway na ginang hanggang sa tumalsik ito palabas ng bus at napadapa sa kalsada.
Halatang nagitla ang mga nasa loob ng sasakyan ngunit hindi nila masisi ang kaawa-awang lalaki sa ginawa nya dahil sa ipinakita ng babae na kawalan ng respeto nang duraan sya nito sa mukha.
Makikita ang nanulak na naiinis na pinupunasan ang kanyang mukha habang bumababa ang isang pasahero na nagpakita ng pag-aalala sa babaeng napatalsik ng 'di oras.
Larawan: Screenshot mula sa video post ni Hafeez Noorani - Twitter
Paliwanag nya matapos tulakin ang babae palabas, "She spit on me!"
Tila hindi inakala ng nandura na ginang na magagawa iyon sa kanya ng naturang lalaki.
Reason number 251 not to take @TransLink during a pandemic.
— Hafeez Noorani šØš¦ (@FEEZYDoesIT) October 22, 2020
So much for mandatory masks š¤·š¾♂️#bcpoli#vanpoli#vancouver pic.twitter.com/LDiIcXIHhe
Source: Hafeez Noorani - Twitter
Source: Furry Category
No comments