Business Tycoon, binili ang bangkong hindi siya pina-utang noon
Larawan ay mula sa Adam Deering - Instagram |
Kamakailan lang ay binili ng isang negosyante ang building ng bangkong hindi nagpautang sa kanya noon, 18 taon na ang nakalipas. Balak niyang ipa-renovate ang nabiling building sa eight apartments at isang retail unit.
“So last week, I bought the bank building where I got knocked back for a loan at 21 years old! So when I was a broke a 21-year-old, I had a dream to work for myself and setup my own business,” pagkukuwento ni Adam Deering sa kanyang Instagram account.
Dagdag pa niya, gumawa raw siya ng business plan at nag-set ng appointment para makausap ang manager ng bangko para sa plano niyang makakuha ng business loan.
“I sat down with my fingers and toes, crossed, and the woman who was the bank manager took my business plan, went through it quickly and in a patronisingly tone said the problem is ‘Adam, you are a bit young and you have no business experience. This isn’t something we can do at this stage!’”
Dahil dito, nalungkot daw siya at na-frustrate sapagkat wala siyang “plan B.” Nakaalis na rin siya sa kanyang pinagtatrabahuan, may sapat na pera para sa tatlong buwang upa sa kanyang lugar na tinutuluyan, at may phone-line off BT na nasa ilalim ng 30-day credit terms.
Subalit dahil sa kanyang pagsusumikap, siya na ngayon ang namumuno sa limang multi-million companies na kinabibilangan ng debt management firm.
Ani pa ni Adam, “Remember, your current situation is never your final destination.”
Source: Adam Deering - Instagram
Source: Furry Category
No comments