Header Ads

Lalaki, ibinenta ang scooter upang maipagamot ang kanyang Aso

Larawan ay mula sa post ni Calvin Rotone - Facebook


Ibinenta ng isang lalaki ang kanyang scooter upang may maipangpagamot sa alaga niyang aso.

Ibinenta ni Calvin Rotonea ang kanyang scooter para maipagamot ang aso niyang si Bella. Ibinihagi niya sa “Furr Lovers PH” ang huling litrato ng kanyang scooter kung saan nakatali ito sa likod ng isang sasakyan dahil ibabiyahe na ito sa bagong may-ari.

Nagkaroon ng umano ng kennel cough ang kanyang alaga, at duda siyang nakuha ito ni Bella sa ibang aso. Hindi naman daw delikado ang naturang sakit sa mga aso, pero maaari itong mauwi sa pneumonia kapag napabayaan.

Larawan ay mula sa post ni Calvin Rotone - Facebook

Larawan ay mula sa post ni Calvin Rotone - Facebook


Ang kanyang napagbentahan ay ginamit ni Rotonea sa pagpapa-checkup ni Bella. Inabisuhan siyang i-admit na ang kanyang alaga sa beterinaryo ngunit kulang pa ang kanyang pera, kaya naka-home medications daw muna ito.

Larawan ay mula sa post ni Calvin Rotone - Facebook

Larawan ay mula sa post ni Calvin Rotone - Facebook


Pagsasalasay ni Rotonea, “’Pag may kayang gawin why not? Bella is priceless. She’s enough.”

Napulot lamang daw niya si Bella sa tabi ng daan. Noong araw na matagpuan niya ang aso ay ang araw din kung kailan nawala ang kanyang lola. Marami nga raw ang nagsasabi kay Rotonea na “baka si lola mo si Bella.” Balisa nga raw ang aso nang ihatid na sa huling hantungan ang kanyang lola.

Sa paglalarawan ni Rotonea, malambing at protective na aso si Bella. Sinisiguro daw nitong walang ibang hayop ang makalalapit sa mga ulam. Sa may uluhan daw ni Rotonea pumupuwesto si Bella sa oras ng pagtulog, at “daddy’s girl” ang tawag ng kanyang fiancĆ© sa aso. Ngayon ay isang taon at pitong buwang gulang na si Bella.


Byee byee salamat sa pag ingat mo sakin sa kalsada. Ingatan mo rin yung new owner gaya nung pag ingat mo sakinšŸ˜”šŸ˜˜

Posted by Calvin Rotone on Saturday, October 17, 2020
Source: Calvin Rotone - Facebook

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.