Header Ads

Lalaking mabilis ang kamay, pinagpapalo ng kanyang ina

 

Larawan: Screenshot mula sa video post sa Facebook


        Huli ang isang lalaki matapos nakawin umano ang helmet ng isang driver; pinalo pa ng kaniyang nag-aalalang ina.

Sa Facebook page na “KRT-Kamihemo Racing Team,” ibinahagi ang isang three-minute-19-second video kung saan hawak ng isang rider sa damit ang lalaking nagnakaw umano ng kaniyang helmet. Kasama ang isa pa niyang kasamahan, naglakad sila sa gilid ng kalsada patungo sa lugar na itinuturo ng lalaki kung saan daw niya inilagay ang helmet.

Larawan: Screenshot mula sa video post sa Facebook

Tinatanong nila ang lalaki kung totoo ba ang sinasabi nitong direksiyon sapagkat kanina pa raw sila naglilibot sa lugar na iyon.

Ilang saglit lamang ay may humabol na babae sa kanila at nagpakilalang nanay ng lalaki. Sinabi naman agad ng mga rider na hindi raw nila ipapahuhuli ang anak niyang ito basta’t sasabihin niya lamang daw kung saan niya inilagay ang nawawalang helmet.

Larawan: Screenshot mula sa video post sa Facebook


Larawan: Screenshot mula sa video post sa Facebook

Bigla na lamang nagalit ang nasabing nanay at pinagsusuntok ang kaniyang anak. Inalis pa nito ang kaniyang tsinelas saka ipinalo sa lalaki. Habang ginagawa niya ito ay nagsisigaw siya at nagagalit dahil ilang beses na raw niyang pinagsabihan ang anak niyang ito subalit hindi pa rin daw ito nagtitino. Napapagod na raw siya at galit na sinasabi sa anak na lagi na lamang daw kahihiyan ang ibinibigay niya sa kanilang pamilya.

Tinanong ng nanay kung kailan daw ito ginawa ng kaniyang anak. Sinabi naman ng mga rider na kani-kanina lamang daw ito nangyari, ayon pa rin sa laman ng nasabing video.

Nagpapatulong naman ang lalaki sa kaniyang ina na kunin ang helmet sa itinuturo niyang direksiyon. Subalit nagtapos ang video sa pagsasabi ng ina na bahala raw siyang maghanap kung nasaan ang helmet na kinuha niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanila:

“‘Anak ko yan’ One of the most sweetest word na narinig ko. Kahit anu ka pa, magnanakaw, pariwara, o adik, lagi nating tatandaan na mahal tayo ng magulang natin. Minsan sila yung rasun kung bakit tayo ganyan pero 90% of those reasons kung bakit tayo nagkakaganyan is ang sarili natin because we make a choice, ginusto natin yan eh, tayo ang may kagagawan sa sarili natin at Hindi ang mga magulang natin. So be a good son/daughter, gawin mong isang mabuting halimbawa ang mga sakripisyo at pagod ng magulang paRa lang sa ikakabubuti natin. Kaya't sa mga taong pariwara, adik, o anu mang tawag sa inyo, mag bago na kayo, kasi Hindi lang sarili pinapahirapan niyo kundi pati magulang niyo. We have a choice, but always choose to be better.”

“Never hurt your mom nothing is painful than seeing tears in her eyes.”

“Kawawa yung magulang halos atakihin sa puso sa sobrang sama nang loob, Sana nagtrabaho ka na lang nang matino, Mahirap mag trabaho pero mas masaya naman sigurong makita mo yung nanay mo na naka ngiti kaysa ganyan nakaka awa.”

Sa ngayon ay mayroon na itong higit 137,000 reacts, halos 11,000 comments at higit 34,000 shares sa Facebook.




Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.