Bagyong Rolly tinaguriang EARTH’S STRONGEST STORM OF THE YEAR.
Source: Philippine Weather System/Pacific Storm Update |
Patuloy paring lumakas ang bagyong Rolly nitong Biyernes at namataan na sa 980 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora na ito.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang bagyong Rolly ay inilagay na sa kategoryang “violent.”
Nagtataglay ito ng lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong 230 kilometers per hour.
Bahagya itong bumilis ng 20 kilometers patungong kanluran.
Ayon pa sa PAGASA, inaasahang malapit na ang bagyo sa Bicol region sa Linggo ng umaga. At pag dating ng Linggo ng gabi o Lunes ng umaga, inaasahang mananalasa ang sentro nito sa Quezon o Aurora province.
Malakas hangin at ulan ang inaasahang mararamdaman Bicol Region, Quezon at Aurora sa araw ng Undas.
Sa Metro Manila, posible rin ang malalakas na ulan simula Linggo hanggang Lunes, maging sa Marinduque, Mindoro, Calabarzon, Pangasinan, Cordillera at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Samantala, pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga nakatira sa mabababang lugar na dinadaluyan ng tubig mula Magat dam.
EARTH'S STRONGEST STORM OF THE YEAR. LOOK: Latest satellite image ngayong gabi ng maituturing nang pinakamalakas na...
Posted by Philippine Weather System/Pacific Storm Update on Friday, October 30, 2020
Nagsimula na kasing maglabas ng tubig ang Magat dahil sa dami ng tubig na naipon dito. Dahil ito ng mga matinding pag-ulan sa nagdaang mga araw.
Ayon sa hydrologist ng PAGASA na si Richard Orendain, mataas na ang water level ng reservoir.
Posibleng maapektuhan ang mga nakatira sa mga bahaing lugar ng Ifugao at Isabela, partikular ang mga bayan ng San Mateo, Cabatuan, Aurora, Luna, Burgos, Reina Mercedes, Naguillan at Gamo.
Source: Furry Category
No comments