Nakakalungkot: Isang OFW Maid na pinapanood lang ang Amo Habang Kumakain
Larawan ay mula sa Regine CaƱete Allones - Facebook |
Ang pagiging isang OFW ay hindi madali at hindi biro. Ang mawalay sa mga mahal sa buhay ay napakahirap.
Para maibsan ang kalungkotan na nararamdaman ay kailangan natin magsaya paminsan minsan at binibili natin ang mga bagay na nakakapagpasaya basta may sobra.
Kaya ang nakikita ng mga kamag-anak at kaibigan natin ay tayo ay nagpapakasarap, ngunit hindi nila ang tunay nakalagayan isang OFW kapag nasa trabaho na ito.
Katulad nalang ng isang OFW na nagtrendng sa social media na nagtatrabaho diumano sa Singapore. Nag viral ito at nakakuha ng maraming simpatya dahil sa nanonood lamang ang kababayan natin habang kumakain ang kanyang mga amo sa isang restaurant.
Isang Pilipino ang nakasaksi ng pangyayaring iyon at dahil sa sobrang pagkahabag sa kapwa Pinoy ay kanyang ibinahagi ang larawan kung saan nga makikita ang sitwasyon ng pobreng kasambahay.
Kwento ng netizen na si Regine CaƱete Allones sa kanyang Facebook post, isang araw habang nakain siya sa isang restaurant ay nakita niya ang isang pamilya na may kasamang isang OFW maid. Pag-kapasok ay agad na pinunasan ng maid ang mesa at silya ng bata at ng among babae.
Pagkatapos ay inihanda ng kasambahay ang pagkain ng bata, habang ang mga amo ay nag-order ng kanilang pagkain.
Pagdating ng pagkain ay napansin ng netizen na si Allones na walang ibinigay na pagkain para doon sa kababayan natin. Nakaupo lamang siya, habang pinapanood kumain ang mga amo.
Ayon kay Allones, sobrang nakakadurog ng puso habang nakikita niya ang kapwa Pilipino sa ganoong sitwasyon. Ngunit kahit ginusto niya raw na tulungan ito at bigyan ng makakakain ay hindi niya nagawa dahil baka lumabas na siya pa ang masama.
Narito ang buong post Regine Allones:
"Kanina kumakain aq , tas ung matanda naghanap ng maupuan sa kopityam sa Clementi, tinawag ang maid nila, then c maid wiped the kids chair and table, hinanda nya ang pagkain ng bata tas ang amo nag order ng foods. Katulong nila sobrang payat saka mukhang unhappy, tuloy ang kain q naobserbaran ko tlga kung may pagkain yung maid, (walang binigay ng foods) she seats sa table pinapanuod ang mga amo na kumakain, it breaks my heart gusto ko sana bigyan pagkain kso baka ako pa maging masama. Bakit may mga taong ganyan kung mangtrato ng kapwa katulong daig pa ng isang aso parang antay lang ng tira tirang pag kain.
#RespectStillAHuman hndi Robot kakain at kakain yan. #IbangLahi
#And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased.
#Hebrews 13:16"
Source: Regine CaƱete Allones - Facebook
Source: Furry Category
No comments