Header Ads

British Citizen, 75, namumuhay na bilang palaboy sa lansangan matapos iwan ng asawang Pinay

Source: Sandrix Lita

Nakatira ngayon sa ilalim ng puno sa tabi ng isang covered court sa Halang, Canlalay, Binan, Laguna  ang isang 75-anyos na British citizen matapos malugi ang computer shop na kanyang pagmamay-ari at na agad ring iniwan ng kanyang Pinay na asawa.



Ayon kay Sandrix Lita sa kanyang Facebook post, Nag-iisa na lamang na nammuuhay si Arthur Ernest at na umaasa na lamang sa bigay na pera at pagkain ng mga taong dumadaan. “Hindi siya nanlilimos pero sa kalagayan niya, alam kong hirap na hirap siya.”

Ayon pa kay Lita mayroong sakit na diabetes ang British pero wala siyang pera upang maipagamot ang kanyang sarili.

Source: Sandrix Lita



“Every morning po naka-stand by siya sa tabi ng isang tindahan sa harap ng gas0linahan sa Ireneville. Mabait si sir at tiwang-tuwa daw siya sa mga Pilipino kasi daw sobrang matulungin, bakas nga sa mukha niya ang saya noong inabutan siya ng makakain.”


Sa kabila ng kanyang kalagayan, kwento ni Ernest na masaya na siyang andito sa Pilipinas at sa tingin ni Sandrix ay mas pipiliin na niyang manirahan dito kaysa umuwi sa kanyang bansa. Ayaw din niyang magbanggit ng pangalan ng kanyang mga kamag-anak sa London.

Tanging si Elsa Freeman ang binanggit niya na dating asawa na taga-Canada. Ayon sa balita matagal narin itong pumanaw.

Source: Sandrix Lita

Marami namang netizen ang nahabag sa kalagayan ni Ernest at sinabing tutulong sila sa paghahanap sa kanyang pamilya. Marami ring nagsabi na sana ay maitampok siya sa Kapuso Mo, Jessica Soho o Raffy Tulfo in Action upang matulungan.

May iba namang nagsabi sa comment section na dating mayaman si Ernest dati pero iniwan ng asawa tangay ang kanilang pera.

Sabi naman ng iba, ‘wag agad husgahan ang asawa lalo pa kung hindi alam ang buong kuwento.

Nakausap ko si sir Arthur Ernest na dating may pagmamay ari ng Computer Shop dito sa Halang Canlalay Biñan, Laguna. Sa kasalukuyan sya po ay naninirahan sa ilalim ng Puno sa Tabi ng isang Covered Court Halang. Ang sabi nya po ay iniwan daw sya ng kanyang asawa. Sa madaling salita po wala na syang kasama sa buhay at wala na rin pong hanapbuhay, madalas po ay inaabutan sya ng Bigas ng mga nagdaraan na residente sa lugar subalit wala po syang kalan na pagsasaingan kung kaya po ipinamimigay na lang yung bigas na ibinibigay sa kanya. Madalas den syang inaabutan nang mga sasakyan ng makakaen at pera pambili ng makakaen. Hindi sya nanlilimos pero sa kalagayan nya alam kong hirap na hirap sya. Taga London daw po sya. Di ko na naitanong kung saan sya exactly sa London. Sana po may makatulong sa kanya na madefort sa kanilang bansa. Mahirap po ang kalagayan nya ngayon bukod sa may Diebetes si sir wala rin syang mapagkukunan ng Financial o ng daily needs. Sana po may makatulong sa kanya. Every morning po nakastand by sya sa harap ng isang tindahan sa harap ng gasolinahan sa Ireneville. Mabaet si sir at tuwang tuwa daw sya sa mga Pilipino kasi daw sobrang matulungin, bakas nga sa muka nya ang saya nung inabutan sya ng makakaen. Ang sabi nya sa akin kanina ay Expired na din ang Card nya at tinanong ko sya kung ilan taon na sya ang sagot nya sa akin ay 75 Years Old. Senior Citizen na din po sya.

Source: Sandrix Lita

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.