Mga lumang bote ng beer na natagpuan sa isang kweba sa Bohol libo-libo ang halaga
![]() |
| Source: KJMS |
Ang mga bote ng beer na ito ay maibebenta daw sa mga kolektor sa halagang P2,500 hanggang mahigit sa P30,000 kada piraso, depende pa sa kondisyon ng mga ito. Sa unang tingin ang mga boteng natagpuan sa kweba ay tulad lang ng mga pangkaraniwang bote ng beer na hindi pwedeng ibenta sa junk shop at kung pwede man ay piso lang kada piraso na lamang ang halaga nito.

Source: KJMS
Kasama ang ilang kaibigan ay pinasok nila ang kweba at naghanap ng mga bote ng Beer. Hindi sila nabigo dahil nakakuha sila ng ilang piraso ng bote ng Halili Beer na may nakatatak na kalabaw at mga gusali. Makikita rin sa bote ang nakalagay na taon ng pagkakagawa na mula pa noong 1950.

Source: KJMS
Matapos linisin ang mga boteng nakuha sa kweba, naibenta nila ang mga natagpuang bote sa halagang P2,500 dahil may mga basag na ito.
Dahil sa pagnanais na kumita pa ng malaki, muli nilang binalikan ang kweba at muling naghanap ng nasabing bote. Nakakuha sila ng tatlong bote ngunit may basag na ito sa bahaging leeg. Gayunpaman binayaran parin ito sa kanila ng isang collector sa halagang P11,000.
Panoorin ang video ng KMJS upang ang buong kuwento kung bakit maraming Bote ng ganitong uri ng beer ang nagkalat sa loob ng kweba sa Bohol.
Source: KJMS
Source: Furry Category

No comments