Header Ads

PWD pinagsusuntok at tinadyakan hanggang sa mawalan ito ng malay

Larawan: Screenshot mula sa Facebook post ni Mary Jane Dela Cruz-Rubio 



Isa na naman nakakapangulo ng dugo ang ginawa ng isang marahas na lalaki sa isang walang ka laban laban na person with disability(PWD). 


Sa video na i-n-uplaod ni Mary Jane Dela Cruz-Rubio sa kanyang facebook account, makikita ang hindi kanais nais na pangyayari dahil sa pananakit ng isang lalaking nag-ngangalang Jerry Leal sa walang ka laban laban na PWD hanggang sa mawalan ito ng malay.


Ayon sa post ni Mary Jane ay kinompronta ni Jerry ang kanyang pinsan dahil kulang raw umano ang na-ibigay nitong sukli. 

"At walang ano ano ay bigla nlang nyang sinuntok at tinadyakan hanggang sa mawalan ng malay"


Makikita sa video na biglang lumapit si Jerry sa lalaking naka-asul na tila may bibilhin, bungad ni Jerry sa lalaking naka asul ay "nasan yong pera" ngunit ng walang maisagot ang lalaking naka-asul bigla na lamang niya itong binatukan ng napakalakas sa ulo pakatapos ay pinagsusuntok hanggang sa matumba ito. 


Hindi pa nakuntinto si  Jerry at tinadyakan pa niya ito sa ulo na tila yon na ang dahilan ng pagkawala ng malay ng kaawa awang PWD(lalaking nakaasul).


Kaya naman sa post ni Mary Jane ay humihingi siya ng saklulo upang makamit nila ang hustisya sa nangyari sa kanyang pinsan at mapatawan ng tamang kaparusahan si Jerry.


Dagdag pa ni Mary Jane ay nag-mensahe na ang RTIA sa kanila.


Narito ang kabuoan sa post ni Mary Jane:


"Eto po ung pinsan kong PWD. Kinompronta sya ni jerry leal dahil kulang daw ung binigay na sukli sa knya ng pinsan ko at walang ano ano ay bigla nlang nyang sinuntok at tinadyakan hanggang sa mawalan ng malay.." 


"Nagharap sila sa brgy knina ngunit magbibigay nlng daw ng 7k ung suspect para pampagamot ng pinsan ko at para  iurong na rin ung kaso..  kung di daw tatanggapin ang pera at itutuloy ang kaso mahihirapan silang magsampa dahil mahaba daw proseso at matinding abala at gastos dahil kailangan pa daw ng abogado ...."


"Tulungan nyo po akong mabigyan ng sapat na kparusahan ang gumawa nyan sa aking pinsan..  Tulungan nyo po akong mkarating kay tulfo.. "


"Update:: nagchat na po si @raffytulfoinaction.."


Source: Mary Jane Dela Cruz-Rubio - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.