Header Ads

Dating Milyonaryo, namulubi at naubos ang pera sa pagligtas sa mga Asong dapat ay kakatayin

Source: Lifegate

Lahat tayo ay pwedeng yumaman kung tayo ay magsusumikap at magpupursige na makamit ang ating mga pangarap. Ngunit mas mahirap ang pagsubok na mapanatili natin ang ating mga nakamit sa buhay. Dahil minsan ay kailangan mong magpakahirap para makuha ang isnag bagay ngunit napakadali nitong mawala. 


Mayroong mga naghirap dahil sa masamang bisyo, mayroon din namang mga bumagsak dahil sa napakamaluhong pamumuhay. Ang iba ay nawalan dulot ng katakot-takot na gastos sa pagpapagamot, samantalang ang ilan ay piniling mapanatili ang simpleng pamumuhay kung kaya't inilaan ang kanilang yaman sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Ngunit kakaiba ang sinapit ng isang lalaking ito na dating milyonaryo ngunit ngayon ay mahirap dahil sa kanyang hindi pangkaraniwang gawain: ang iligtas ang lahat ng mga asong dapat ay kakatayin sa kanilang lugar.

Source: Lifegate

Ayon sa balita, sa ngayon ay wala nang kahit isang centimo ang 29-anyos na good samaritan dahil sa kanyang kabi-kabilang pag-rescue sa mga kawawang aso. Para kasi hindi matuloy ang nakakalungkot na sasapitin ng mga naturang hayop, ay binibili nya ang mga ito at saka dinadala sakanyang bahay.

Ang nasabing lalaking milyonaryong ay isang dating matagumpay na negosyante na nagmamay-ari ng isang pabrika ng bakal sa China. Sa kasamaang palad, nagbago ang lahat ng ito magmula nang mawala ang kanyang alagang aso noong 2012.

Source: Lifegate


Matiyaga niyang hinanap ang kanyang alaga subalit ay hindi na nya ito nakita. Buti na lang at may nakapagsabi sa kanya na subukang hanapin ito sa katayan ng aso.

Agad niyang puntahan ang mga ito, ngunit hindi nya nakita doon ang kanyang alaga. Gayunpaman, lubos syang naawa sa sitwasyon ng mga kawawang aso doon. Mula noon tumatak sa kanya ang masaklap na ginagawa sa mga aso sa lugar ng mga katayan kung kaya ay ipinangako nya sa kanyang sarili na lahat ng mga aso na dapat katayin ay bibilhin nya at ililigtas.

Source: Lifegate

Para maligtas ang mga ito, pinupuntahan niya ang lahat ng mga katayan ng aso sa kanilang lugar at binibili ang mga aso na sya ring naging dahilan para maubos ang kanyang pera. Kinilala ang lalaki na si Wang Yan na negosyante mula sa Changchun, sa probinsiya ng Jilin, China.

Source: Lifegate

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.