Header Ads

Direk Cathy Garcia Molina, Hindi kinaya ang TF ng BTS

Larawan ay mula sa bandera.inquirer.net



Naitayo ang Nickl Entertainment YouTube channel ng direktor na si Cathy Garcia Molina sa kadahilanang para makadiskubre ng local talents na maaaring nilang ipag-produce ng shows. Ang adbokasiyang ito ng direktor, kasama ng kanyang staff, ay nagsimula nang malaman nila ang talent fee ng Korean group na BTS na gusto sana nilang ipag-produce ng show dito sa Piipinas.

Ayon sa direktor, “Hindi namin kaya ang presyo ng BTS, umabot sa kalahating bilyon. Lord, ang mahal! So, instead na sila bakit hindi tayo mag-discover ng sariling atin, e, magagaling din naman ang mga Pinoy.”

Ang Nickl Entertainment JM ay initial ng mga pangalan ni Direk Cathy at ng kasama niyang staff sa paggawa ng pelikula. Hanggang ngayon ay wala pa raw siyang ibinibigay na suweldo dahil nga wala silang trabaho ngayon.

Kaya naman, umaasa si Direk Cathy na lumaki sana ang subscribers nila sa YouTube upang sila ay kumita at upang may maipangsuweldo sa mga staffs.

Samantala, si Direk Cathy ay may fundraising project na “Pakpak ng Pangarap” para sa 100 estudyanteng nangangailangan ng laptop para sa kanilang online classes.

Kaya inaanyayahan niya ang ating mga kababayan dito sa Pilipinas at sa ibang bansa upang manood ng kanilang show na “Pakpak ng Pangarap” sa Oktubre 31 sa KTX simula 9 a.m. hanggang 3 p.m., sa halagang P99 bawat tiket.

Guest stars dito sina Gary Valenciano, Darren Espanto, Kakai Bautista, Thor, Frenchie Dy at Iñigo Pascual.

Dagdag pa ng direktor, “P99 pesos ang entry para makapanood ng show and bukod doon, they will have a chance to buy the exclusive items and ang pag-buy is through donation and auction… Merong straight donation na sa bawat ibibigay ay nagkakaroon ng slot to a raffle at makakakuha ng items na ito yung mga mamahalin na bigay nina Bea [Alonzo] at Angel [Locsin].”

Jimmy Choo at Gucci bags ang donasyon ng dalawang aktres. May ibinigay rin si Alden Richards na Yeezy shows na may pirma niya. Si Joross Gamboa naman ay magbibigay ng mga damit na isinuot niya sa pelikula, personal favorite shirts kay Rayver Cruz, at Darna figurine na pirmado ni Liza Sobreano mula naman kay Jeff Tam. Marami pa raw celebrities ang nangakong magbibigay.


Source: bandera.inquirer.net


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.