Doktor na naging Good Samaritan, pinasakay si Lolo na naglakad mula pa Pampanga papuntang Cubao, Quezon City
![]() |
| Source: Sherwin Enriquez |
Kilalanin ang doktor na nagmagandang loob sa 65-anyos na lalaki matapos nya itong madaanang naglalakad sa kahabaan ng NLEX o North Luzon Expressway. Dahil parin sa pandemya limitado parin ang transportasyon ngayon sa buong bansa at dahil dito karamihan sa atin ay hirap nahihirapan.
Narito ang kwento ng isang matandang lalaki na mula sa Pampanga.
Ayon sa video na ibinahagi ni Sherwin Enriquez na isang doktor mula sa Philippine General Hospital (PGH), nadaanan nya ang kawawang matanda habang papunta siya ng Manila para kunin ang donasyon para sa kanilang fundraising campaign.
Makikita sa video na ipinost ng doktor, ang emosyonal na reaksyon ng matanda nang alukin ni Enriquez ng libreng sakay.
Papunta daw ang matanda sa Cubao sa Quezon City ngunit dahil wala pang biyahe ang mga bus ay kinailangan nyang lakarin ang napakalayong syudad sa kabila ng kanyang edad. Hihingi raw kasi ito ng tulong sa kanyang kapatid sa Cubao kaya siya pupunta doon.
Halata sa video na nagpipigil ang matanda na maluha habang sinasabing “walang masakyan,”. Habang nakikipag-usap ang dalawa, makikita hirap na hirap ang matanda sa kasalukuyang sitwasyon habang hawak-hawak pa ang binalatang mangga sa isang kamay, at ang mga pinagbalatan nito sa kabilang kamay.
Ayon sa matanda, pinitas niya ang bunga ng mangga sa punong kanyang nadaanan para lang may makain sa kanyang malayong paglalakbay.
“I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping,” sabi ng doktor sa kanyang post.
Pagdating sa NLEX Bocaue Toll Gate Office, nagpasya si Enrique na i-turn over na si Lolo sa mga otoridad upang mas mabigyan siya ng nararapat na tulong dahil na rin sa umiiral pa rin na quarantine guidelines. Ayon sa good samaritan, bago umano sila maghiwalay ay pinabaunan nya ito ng packs of biscuits at kaunting pera.
Source: Furry Category



No comments