Header Ads

Ivana Alawi naging co-anchor ni Idol Raffy sa programang “Wanted Radyo”

Larawan: screenshot mula sa Youtube

Sa vlog ni Ivana Alawi, nakasama niya ang nag-iisang “Idol ng Bayan” na si Raffy Tulfo. At bilang “a day” nga kasama ang kilalang host ng programang “Raffy Tulfo in Action,” naging co-anchor pansamantala si Ivana.

At ng nasa opisina na nga ni Sir Raffy si Ivana, “first time” raw na naging guest nila ang vlogger ngunit kasama raw nila ito upang iresolba ang “sumbong” sa araw na iyon.

Ang nasabing reklamo ay tungkol sa isang lalaking nais makausap ang kaniyang misis dahil nais daw nitong magkaayos na silang muli sapagkat matagal na raw silang hindi nagkikibuan.

Makikita agad sa monitor ang isang lalaking kanina pa raw umiiyak, ayon kay Sir Raffy. Sinabi rin ng host kay Ivana na totoo ang nangyayaring iyon at hindi isang “prank.”

Larawan: screenshot mula sa Youtube


Larawan: screenshot mula sa Youtube

Sinabi ni Sir Raffy na tutulong daw si Ivana upang maresolba ang kanilang problema. Tila gulat naman ang naging reaksiyon ni Ivana at sinabing, “Wait lang po, nape-pressure ako.”

Nang pinagkausap na ang mag-asawa at ang kanilang anak na sangkot din sa kanilang problema, humingi ng tulong ang lalaki kay Ivana upang magkaayos at hindi raw sila magkawatak-watak bilang pamilya. Nagulat at inaming muli ng vlogger kay Sir Raffy na nape-pressure siya dahil galing daw siya sa isang “broken family.” Ayon sa host, makakaya raw itong maayos ni Ivana dahil “you can relate.” Ngunit sagot naman ng vlogger, “‘Di po kasi kami nabuo.”

Ilang pag-uusap at diskusyon pa ang nangyari. Sa isang bahagi, makikitang tila naapektuhan na si Ivana sa mga nangyayari. Kaya ani ni Sir Raffy, “Si Ivana, stress na po.”

Nagbigay rin ng payo si Ivana sa lalaki na kung ayaw na siyang tanggapin at patawarin ng kaniyang asawa, dapat ay magpakatatag na lamang daw ito para sa kaniyang anak na sa kaniya na lamang kumakapit ngayon. Naluha din ang vlogger dahil pagdating daw sa usapang pamilya ay nagiging “apektado” siya. Subalit, nang magkausap na nga ang mag-ama, tuluyan nang naiyak si Ivana.

Nang matapos na ang sumbungan sa programa, inamin ni Ivana na saka niya lamang na-realize na hindi “prank” ang ginagawa nila nang nasa kalagitnaan na raw sila. Pagbibiro pa ni Ivana, muli raw siyang pinaiyak ni Sir Raffy. (Una ay noong p-in-rank siya ng host). Sabi naman ni Sir Raffy , noong “prank” ay napaiyak niya ang vlogger. At ngayong totohanan na, napaiyak niya raw itong muli.

Nang tinanong ni Sir Raffy kung araw-araw na bang gagawin ni Ivana ang pagiging co-anchor niya sa programa, sabi niya, “I quit.”

Sa dulong bahagi naman ng video, sinabi ni Sir Raffy na magaling daw maging co-anchor si Ivana; kayang-kaya niya naman daw maging isang host subalit hindi raw siya bagay sa kaniyang programa dahil malambot ang puso ng vlogger at baka raw araw-araw siyang umiyak.


Source:  Ivana Alawi and Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel




Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.