Header Ads

Viral sa social media ang dalawang batang nagdasal bago kumain


Larawan ay mula sa noypiako


Abala na ang lahat sa kani-kaniyang gawain: sa pagpasok sa trabaho, sa paggawa ng mga gawaing bahay, sa pagtapos ng mga aralin sa paaralan, at marami pang iba.

Hindi na rin mabilang ang mga suliraning kinahaharap ng bawat isa – usaping trabaho man o problema sa bahay. Idagdag pa ang hamong dala ng pandemya at kung paanong bubuhayin ang sarili at pamilya sa pang-araw-araw.

Dahil dito, tila nalimutan na ng karamihan ang maging masaya, maging positibo at mamahinga. Malimit na ring maalala kung bakit nga ba tayo nakikipagdigma sa buhay. Higit sa lahat, iilan na lamang ang nagpapasalamat at humihingi ng tulong kay Bathala.

Larawan ay mula sa noypiako


Mabuti na lamang dahil kahit papaano’y may mga bagay o taong nagpapakita sa atin ng tunay na kahulugan ng buhay.

Viral ngayon sa social media ang dalawang batang lansangan matapos silang makuhanan ng litrato ng isang netizen na nagdarasal muna bago kumain.

Makikita sa kanilang larawan ang kanilang taos-pusong pananalig at pasasalamat dahil mayroon na naman silang makakain kahit na ito’y kaunti lamang.

Simbolo sila ng isang matibay na pananampalataya at nagpapakita ng isang kuntentong buhay sa pagkakaroon ng mga simpleng bagay na mayroon sila. Kahit na mahirap ang buhay, dapat pa rin tayong magpasalamat sa Diyos para sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya.


Source: noypiako


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.