Header Ads

Kaibigang hindi pinautang ng 10K panghanda para sa First Birthday ng anak, galit na galit at minura ang kaibigan

Source: Wina Dalaorao/Facebook
 

First Birthday kaya dapat may lechon, cake, at naka catering

Ito ang dahilan kaya nagpasya ang isang Ina na lumapit at humingi ng malaking pabor sa kanyang kaibigan para sa mabigyan ng magarbong birthday celebration ang kanyang anak.

Trending ngayon sa social media ang naging post ng isang netizen na si Wina Dalaorao tungkol sa kaibigan niyang nagtangkang humiram ng pera sakanya.

Bigla raw siyang minessage nito para sana umutang ng 10,000 para pang handa sa anak nitong mag cecelebrate ng first birthday.

Source: Wina Dalaorao/Facebook

Base sa chat conversation nila ng kanyang kaibigan, ibinahagi ni Wina ang kanilang usapan (Bisaya), nakiusap ito at humiram ng pera para dahil gagamitin niya pang handa dahil pangit naman daw kung walang handa sa unang kaarawan ng anak at naaawa din siya sa bata.

Plano niya sanang ibili ang 10k ng lechon baboy, cake o di kaya sa catering services. Dagdag din nito na maliit lang daw para kay Wina ang inuutang nitong pera dahil sa laki ng sahod niya sa trabaho at isang seaman pa ang tatay nito.


Kaya gulat na sinagot ni Wina ang kaibigan dahil sa laki ng hihiramin nito at di niya alam kung saan niya kukunin ang pera. Ipinaliwanag nalang niya sa kanyang kaibigan na pwede naman na simple nalang ang handa ng kanilang anak kung wala talaga silang ganoong kalaking pera.

Subalit pilit padin ng kaniyang kaibigan katwiran pa nito, kailangan daw nilang kumuha ng catering services dahil marami daw silang iimbitahang mga kaibigan at hindi sapat ang konting handaan lang.

Maayos na sagot naman ni Wina sa kaibigan na sana ay makontento nalang sa kung anong kayang ihanda ng pera nila at hindi kailangang madaming kaibigan ang maimbitahan. Mas importante ay maipaghanda nila ang kanilang anak at mga malalapit na kaibigan at kamag-anak.

Source: Wina Dalaorao/Facebook

Dahil dito nagalit ang kaibigan niya, dahil hindi niya pinahiram at sinabihan na siya nito na parang kung sinong mayaman, at hindi naman siya maganda.


Hindi pa ito nakontento at minura si Wina at sana'y daw ay mamatay nalang daw ito, at lahat ng kung anong meron man siya ngayon ay mawawala din sa kanya. Karma nalang daw sa kaniya ang hindi pagtulong niya sa kanyang kaibigan.


Source: Wina Dalaorao/Facebook


I dont want to post this but you provoke me to do such thing and (dumadami na ang ganitong mga tao!) 

Fyi, (hindi ako nagtatrabaho para lang ipahiram ang sahod ko para may pang pa LECHON, CAKE at CATERING ka). 

Regardless if how much is my salary its either big or not its none of your business if how im gonna spend my money cos ive worked hard for it. 

(Mayaman daw ako dahil seaman daw ang Tatay ko) hahaha!!!

(Bakit may mga ganitong tao?) you're so lucky enough cos im still hiding ur face.

God bless you. Advance happy bday imu baby.


Source: Wina Dalaorao/Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.