Makalipas ang 22 years ang Dalagang inampon ng American Family, Nakita na ang TUNAY NA MGA MAGULANG
Larawan ay mula sa Google |
Nakita na sa unang pagkakataon ng isang dalaga ang kanyang Chinese biological parents, ilang linggo bago sumapit ang kanyang 22nd birthday.
Taong 1996 nang bumisita ang mag-asawang Ken at Ruth Pohler, taga-Hudsonville, Michigan, sa isang orphanage sa Suzhou, China. Inampon nila ang batang nagngangalang Jingzhi – ang pangalang nakalagay sa liham na isinulat ng kanyang ama matapos siyang iwanan sa isang vegetable market, dahil sa nalabag nilang one-child policy ng kanilang bansa.
Ang nakasaad sa liham, “Our daughter, Jingzhi, was born at 10 a.m. on the 24th day of the seventh month of the lunar calendar, 1995. We have been forced by poverty and affairs of the world to abandon her. Oh, pity the hearts of fathers and mothers far and near! Thank you for saving our little daughter and taking her into your care. If the heavens have feelings, if we are brought together by fate, then let us meet again on the Broken Bridge in Hangzhou on the morning of the Qixi Festival in 10 or 20 years from now.”
Ang batang inampon ng mag-asawang Pohler ay pinangalanan nilang Catherine Su Pohler, na may palayaw na Kati. Siya ay lumaki kasama ng dalawa pang anak na lalaki ng mag-asawa.
Taong 2005 nang sumapit ang ikasampung kaarawan ni Kati. Nagpadala ng messenger ang Pohler couple sa nasabing tulay at naroon nga ang biological father ni Kati.
Hindi man pinagtagpo noong panahong iyon, nakunan naman ng isang filmmaker na si Chang Changfu ang biological father ni Kati. Nadala raw siya sa kuwento ng mag-asawang Chinese kaya naman, ginawan niya ito ng documentary.
Pahayag ni Kati, tinatanong niya ang kanyang adopted mother, noong siya ay bata pa, kung saang tiyan nga ba siya nagmula. Hindi sinabi ng mag-asawang Pohler ang totoo kay Kati hanggang siya ay tumungtong sa edad na 20.
At noong Agosto 26, 2019, sa ganap na alas-kuwatro ng hapon, sa unang pagkakataon, nakilala na ni Kati ang kanyang tunay na mga magulang at nakatatandang kapatid na babae, ilang linggo bago sumapit ang kanyang ika-22 kaarawan.
Larawan ay mula sa Google
Larawan ay mula sa Google
Larawan ay mula sa Google
Pagkakita pa lamang sa nawalay na anak, naiyak na ang biological mother ni Kati na si Qian Fenxiang, habang sinasabi sa salitang Mandarin ang “Finally, I’ve seen you. Mummy is so sorry. For all these years mummy couldn’t find you. I couldn’t take care of you either.”
“They are very real to me now,” pahayag ni Kati sa isang panayam sa kanya.
Source: Furry Category
No comments