Header Ads

Nurse, inagaw ang asawa ng pasyente niyang nagda-dialysis

 

Larawan ay mula sa Google

        Humingi ng tulong sa programang “Raffy Tulfo in Action” ang isang babaeng may malubhang sakit matapos umanong agawin ng kaniyang nurse ang kaniyang mister.

Larawan ay mula sa Google

Ayon sa YouTube video ng nasabing programa, may sakit daw si Rica de Vera kaya siya nagpapa-dialysis. At dahil nga sa halos sa ospital na siya nananatili, naging malapit sila ng kaniyang nurse na si Vera Mae.

Larawan ay mula sa Google

Aniya pa, lagi raw silang nagkakausap ng kaniyang nurse at sa katunayan pa nga raw ay napagkukuwentuhan nila ang kaniyang pamilya. Sinasabi pa nga raw ng kaniyang nurse na masuwerte si Rica sa kaniyang asawa sapagkat kahit isa raw itong seaman ay hindi ito nambababae, hindi katulad ng asawa niya.

Hanggang sa inaaya na umano ni Vera Mae ang mag-asawang lumabas. Subalit dumating daw ang araw na ang mister na lamang ni Rica ang inaaya ng nurse. Napadalas na rin daw ang pag-uusap ng mister ni Rica at ni Vera Mae.

Nang nagbigay-mensahe na si Rica kay Vera Mae, nagmakaawa siyang ibalik na lamang niya ang kaniyang asawa dahil ang pamilya niya raw ang tanging yaman niya.

Sabi pa niya, “Maganda ka, malakas ka, marami ka pang mahahanap na iba, sana ibigay mo na sa’min ng mga anak ko ‘yong asawa ko.”

Kuwento pa ng nasabing pasyente, sinabihan pa raw siya ni Vera Mae na hinihintay na lamang daw nito ang kaniyang kamatayan.

Hindi na rin daw umuuwi ang kaniyang mister sa kanilang pamilya at sumunod naman daw si Vera Mae rito. Natanggal man daw sa trabaho ang nurse subalit nasa ibang bansa na raw ito ngayon.


Source: Raffy Tulfo In Action - Youtube Channel


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.