Header Ads

Mga sakay ng isang Delivery Truck, pinakyaw ang Ice Cream ng lolong nagtitinda sa gitna ng ulan

Larawan ay mula sa Facebook post ni Patrick Mariano


Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang kabutihang ipinakita ng mga sakay ng isang delivery truck matapos pakyawin ang panindang ice cream ng isang matandang lalaking nagbebenta pa rin kahit na umuulan.

Ayon sa post ng isang netizen na si Patrick Mariano, nagliligpit daw siya ng gamit sa kaniyang kuwarto nang makita niya ang biglaang pagparada ng isang delivery truck sa harapan ng kanilang bahay.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Patrick Mariano

Larawan ay mula sa Facebook post ni Patrick Mariano

Larawan ay mula sa Facebook post ni Patrick Mariano


“Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan. Inubos na pala nila yung tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil raincoat lang at sombrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay.”

Dahil dito ay hinangaan ni Mariano ang mga tumulong sa matanda at ibinahagi pang “faith in humanity restored.”

“Shalom Organic Fertilizer, , salute to you for reminding us that a small act of kindness can bring enormous impact on someone else.

Seeing you do that gesture from a far without you knowing it inspire us to do better for other people.

God sees your heart and may God bless your business MORE!”

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“God bless sa mga tao mabait at bumibili ni Tatay.sana .bigyan pa kayo ng maraming blessings sa life nyo dhil naawa kyo ky Tatay.at good health.thnks mga Sir. Congrats,” ani ng isang netizen.

Pahayag naman ng isa, nawa’y pagpalain silang lahat ng Panginoon. Hiling niya rin na sana ay nakauwi raw ng maayos ang matanda sa kabila ng pagkakaroon ng sama ng panahon.

Sabi naman ng isa pang nagkomento, “Not all heroes wear capes.”


Source: Patrick Mariano - Facebook

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.