Nakakabilib na pag-indak ni kuya guard viral sa social media
Larawan: Screenshot mula sa video post ni Mamet Gerona - Facebook |
Ang guwardiya ay nagtatrabaho upang protektahan ang isang gusali laban sa mga nanghihimasok o mamiminsala nito.
Kaya naman hindi biro ang pagiging guwardiya dahil nakataya ang kanilang buhay dito para protektahan tayo.
Isang guwardiya ang tinaguriang Dancing security guard dahil sa kanyang galing sa pag-sayaw. Naaktohan ng isang netizen at nakuhanan niya ito ng video habang sumasayaw si Manong Guard gamit ang sikat na sikat na Tiktok na kinahuhumalingan ng marami ngayon.
Nagtiktok daw ang guwardiya sa oras ng kanyang pahinga siguro dahil para aliwin ang sarili at hindi makatulog.
Nakikila si kuya Gurad na si Ryniel Pineda na nakadistino sa isang ospital sa Butuan City.
Si Mamet Gerona na bibisita sa ospital ay napatigil noong makita niya ang pag indak ni kuya guard at agad naman niya itong kinuhanan ng video.
Ayon kay Gerona sa Philippine Star "Nung time na ‘yun break time nila at nagbabantay po kami sa dialysis patient namin. Napakagaling niyang sumayaw, at tsaka nakakawala ng stress ‘yung pagsasayaw niya po.”
Ang video ni Manong Guard ay umabot na sa 4.1 millio views. At sa kanyang tiktok account naman ay mayroon na siyang 449,800 followers.
Nakakabilib at nakaaliw ka Manong Guard, ipagpatuloy mo lang ang pagpapasaya sa mga tao.
Anung masasabi nyo sa pag-indak ni kuya Guard?
Source: Mamet Gerona and Philippine Star - Facebook
Source: Furry Category
No comments