‘Amazing Transformation’ ng isang dalaga, hinangaan ng mga Netizens
Larawan ay mula sa Google |
Hinahangaan ngayon ng mga netizens ang “amazing puberty transformation” ng isang dalaga matapos ibahagi sa kaniyang social media ang mga kaniyang mga litrato noong bata pa lamang siya at ngayong malaki na siya.
Kinilala ang dalaga bilang si Alexis Corbi, o Alexis C. Salita sa totoong buhay. Isa siyang Tourism Management student sa De La Salle University-Dasmariñas at pangarap niyang maging isang flight attendant.
Sa artikulong ibinahagi ng “Artista Central” nito lamang Agosto, nag-viral daw si Alexis dahil sa pagbabahagi niya ng kaniyang “before-and-after puberty photos” sa kaniyang Facebook account.
Makikita kasi sa mga una niyang larawang kuha noong siya ay pitong taong gulang pa lamang na isa siyang tipikal na “morena.” Hanggang sa unti-unti nang namukadkad ang ganda ng paru-parong ito habang lumalaki siya. Mahahalata na kasi sa mga susunod na litrato ni Alexis na nagiging “fair” na ang kulay ng kaniyang kutis at halata na rin ang gandang tinataglay niya.
Maliban din daw sa “physical transformation,” nagbago na rin ang kaniyang “fashion style” dahil sa kaniyang pagdadalaga.
Sabi pa ni Alexi sa kaniyang naturang post, “WHEN PUBERTY HITS YOU HARD.”
Ayon pa sa kaniya, hindi raw siya kailanman gumamit ng mga “whitening supplements” o kaya naman ay nagpa-surgery upang “ma-achieve” ang ganoong pagbabago.
“I never used any whitening supplements nor undergone any surgery!!! Thank you.”
Dagdag pa niya, “PS: Hindi na din ako nag lulumabas ng bahay nung high school kasi inaasar nkong negra.”
Hinangaan naman ng mga netizens ang “transformation” niyang ito. May ilan ngang nagsasabing “may pag-asa pa” raw sila mula nang makita ang mga larawan ni Alexi.
Source: Furry Category
No comments