Babae, ininsulto at minaliit ang mga magsasaka umani ng batikos mula sa mga netizens
Larawan ay mula sa Facebook |
Hindi nakaligtas sa pambabatikos mula sa mga netizens ang isang babae matapos insultuhin ang mga magsasaka sa social media.
Sa Facebook page na “PROUD Magsasaka,” ibinahagi ang isang “screenshot” ng comment ng babaeng may username na Ruffa Buenaventura kung saan ininsulto at pinagtawanan pa niya ang mga magsasaka.
Sinisi kasi ni Ruffa ang mga magsasakang Pilipino kung bakit sila mahirap at tinawag pa niya ang mga itong “tamad mag-aral.” Ininsulto niya rin ang mga ito at sinabing dapat ibaba sa limang piso ang presyo ng palay.
Narito ang kaniyang buong komento:
“Puro kayo magsasaka! Wala namang binatbat yang mga mangagawang bukid puro mga demanding yang mga yan! lahat nalang gustong isubo sa kanila ng gobyerno. Spoonfeeding ika nga. Mga tamad mag aral yan kaya naghihirap. Eh kung nagsikap lang ang mga yan di sana di sila hahantong sa pagsasaka tas ngayon hihingi hingi sila sa gobyerno! Katwiran nila ano? “eh naghihirap na kami dito” eh bakit? ginusto niyo yan eh! Tas kayo reklamo ng reklamo. Dapat lang sa inyo 5 pesos lang ang palay niyo. hahahaha”
Hindi naman nakaligtas sa mga netizens ang komento niyang ito kaya naman anila:
“Kung wlang magsasaka kakain kaba . ?marangal na trabaho ang pagsasaka, ksa myaman na galing sa masama ang yaman.”
“I pity the parents who worked hard to educate this woman, yet learned nothing but arrogance.”
“Kung walang magsasaka wala tayung makakain.. yang edukasyon mo.. di mo mararating yan kung walang magsasakang nagtatanim at nagpapakain sayo ng kanin mula sa palay nila! Miski nag doktoral kappa kung wala ang kakainin wala ka! Obob!”
Source: Furry Category
No comments