Header Ads

"Bagyo ka lang Pinoy ako" Isang lalaki ang walang takot na nagkakape sa gitna ng malakas na hangin dulot ng bagyong Rolly

Larawan ay mula sa Viral Post - Facebook Page

Isang malakas na bagyo ang namataan ng PAG-ASA at pinangalanan itong Rolly.


Nitong madaling araw ng Linggo tumama ang bagyong Rolly sa Bicol Region.


Ito ay unang nag-landfall nitong Linggo  — na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo — sa Bato, Catanduanes saka nag-landfall sa Tiwi, Albay.

Larawan ay mula sa Facebook

Larawan ay mula sa Facebook

Larawan ay mula sa Facebook


Patunay ng bagsik ng bagyo ang mga video ng malalakas na hangin na tila sumisipol at humahambalos, at pagkaanod ng malalaking bato, buhangin, at lahar.


Sa lakas ng hangin, bumagsak ang kisame ng isang silid ng paaralan kung saan may ilang inilikas na residente pero wala namang nasaktan.


Nalubog din sa buhangin at malalaking bato ang ilang mga tindahan.


Sa rumaragasang bagyo isang lalaki naman ang namataang nagkakape sa gitna ng malakas na hangin at ulan.

Larawan ay mula sa Viral Post - Facebook Page

Kitang-kita sa video na sa kabila ng malakas na hangin at ulan, ay patuloy sa paghigop ng kape ang hindi pa nakikilang lalaki.

Larawan ay mula sa Viral Post - Facebook Page

Larawan ay mula sa Viral Post - Facebook Page

Makikita sa video na sa paligid ng lalaki ay may mga puno ng natumba dulot ng malakas na hangin, ngunit wala itong takot ipinapatuloy parin ang pag-inom ng kape.


Hindi pa nakuntento ang lalaki at humiga pa ito sakanyang inuupoan.

Larawan ay mula sa Viral Post - Facebook Page

Kalaunan ay pumasok na ang lalaki at natapos na din ang video.


Marami naman ang natuwang netizens pero may mga ilan ding nag-alala sa kaligtasan ng lalaki.




Source: Viral Post - Facebook Page



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.