Header Ads

Ivana Alawi, nagtungo sa Isabela, Cagayan at Oriental Mindoro para personal na ihatid ang kanyang mga tulong


Larawan ay mula sa Facebook

D
ahil sa naranasang kalamidad, dumagsa ang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Ilang ordinaryong mamamayan at mga kilalang personalidad na nga ang nagbigay ng tulong sa mga kababayang nangangailangan.

Isa na nga rito ang aktres at modelong si Ivana Alawi na personal na nagtungo sa Cagayan, Isabela at Oriental Mindoro kasama ang kanyang videographer, upang mamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo. Mainit ang naging pagsalubong sa kanya ng mga tao at malugod naman niyang binati, kinawayan at kinumusta ang mga ito.

Larawan ay mula sa Facebook

Hinangaan nga ang ginawang kabutihan ni Alawi at makikita rin sa kanya ang saya na nakapagbahagi siya ng tulong. Lubos naman niyang napasaya ang mga taong kanyang tinulungan at ang iba pa’y nakipag kwentuhan at nagpa-picture sa aktres.

Larawan ay mula sa Facebook

Larawan ay mula sa Facebook

Larawan ay mula sa Facebook


Nakausap din ni Alawi ang lokal na pinuno ng nasabing lugar at makikita rin siya na tumutulong sa pagre-repack at pamimigay ng relief packages para sa mga nasalanta ng bagyo. Sa kanyang Facebook account, mababasa ang “Repacked and distributed relief goods para sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses dito sa Isabela at Cagayan.”

Larawan ay mula sa Facebook

Larawan ay mula sa Facebook


Dahil sa kanyang ginawang pagtulong, lalo siyang hinangaan ng karamihan. Isa si Alawi sa mga tanyag na personalidad na sa kabila ng nararanasang kasikatan, nariyan at handa pa ring tumulong sa mga taong nangangailangan.

Panoorin ang mga video sa kanyang mga pagbisita sa mga lugar na nabanggit.







Source: Ivana Alawi - Youtube Channel


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.