Header Ads

Instant Milyonaryo ang isang lalaki matapos tumama ang isang Meteorite sa bubong ng kanyang bahay

Source: FN TechRoom

Maraming mga bagay na maaaring mag-crash sa bubong ng ating mga bahay sa araw-araw ngunit tiyak, ang meteorite ay hindi isa sa mga ito. Sa gayon, maaaring posible iyon sa mga pantasiya na pelikula o palabas sa TV ngunit walang makakapagsabi na maaari itong mangyari sa totoong buhay.

Hanggang sa nangyari ito sa lalaking ito sa Indonesia na nagtatrabaho bilang karpintero ng kabaong. Ang 33-taong-gulang na lalaki na nagngangalang Josua Hutagalung ay payapang nagtatrabaho sa isang kabaong malapit lamang sa kanyang bahay nang makarinig ng isang nakakagulat na tunog mula sa kanyang bahay. Ito ay isang meteorite na bumagsak sa beranda sa gilid ng kanyang sala sa Kolang, Hilagang Sumatra.

Source: FN TechRoom

Ang Meteorite na may timbang na 2.1 Kilograms ay nagiwan ng malaking butas sa bubong ng bahay ni Hutagalung dahil sa lakas ng pag bagsak nito. The nasabing bato ay humukay ng may lalim na 15cm malapit sa kanyang bahay. Matapos niyang hukayin ito, mainit pa daw ang meteorite at may kaunting basag.

Source: FN TechRoom

Ang hindi alam ni Hutagalung, nagkakahalaga pala ang ganitong klase ng bato ng malaking pera. Umaabot sa 0.50$ to 5$ ang per gram ang pinaka murang klase nito, at umaabot naman sa $1,000 ang mga klase nito na galing sa outer space.

Source: FN TechRoom

Ayon sa Daily Mail, and meteorite na  nahulog sa bahay ni Hutagalung ay tinatayang 4.5 Billion years old at nasa klasepikasyon bilang CM1/2 carbonaceous Chondrite, isa sa mga pinaka rare na uri na umaabot sa $1.85 Million, o $857 per gram.

Source: FN TechRoom

Talagang nakaka mangha ang ganitong pangyayari na pwedeng bumago sa isang buhay ng tao. Isa itong patunay na walang imposible sa ating buhay. Hindi natin kailan man malalaman kung kailan darating ang swerte sa ating buhay, dahil kadasalan ay bigla bigla na lamang itong babagsak para baguhin ang ating kapalaran.

Source: FN TechRoom


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.