Kahanga-hanga, Food Rider ibinigay sa mga pulubi ang pagkain matapos kanselahen ng customer ang order
Larawan ay mula sa Google |
In-demand ngayon ang delivery order online dahil sa pandem yang dulot ng kumakalat na nakakatakot na sak¡t. Malaking tulong ito upang hindi na kailangan pang lumabas ng bahay para bumili ng mga pagkain at iba pang gamit sa matataong lugar. Alternatibong paraan din ito ng ibang rider upang kahit papaano’y kumita sila sa gitna ng pandem ya.
Gayunpaman, marami pa ring delivery riders ang naloloko ng mga umo-order sa kanila. Ang ibang orders ay kina-cancel kung kailan “confirmed” o “on the way” na ang mga ito. Hindi tuloy malaman ng ibang nagde-deliver kung paano mababawi ang perang ipinambili sa mga “cancelled orders” at nasayang pa ang kanilang oras.
Samantala, viral naman ngayon ang ginawa ng isang Grab rider mula sa Singapore matapos niyang ibigay at ipakain sa mga pulubi ang cancelled order ng kanyang customer.
Ayon sa inilabas na balita ng website ng Elite Readers, on-the-way na umano ang Grab food rider sa destinasyon ng kanyang customer nang bigla raw nitong i-cancel ang kanyang order. At imbes daw na magalit, pinili ng rider na ibigay sa mga pulubi ang McDonald’s orders.
Ito ang buong caption ng Grab rider sa kanyang post: “Customer (cancelled their) order so we plan to give to homeless people who need (the food). Today we help people, and another day, people will help us. #Provision should not be rejected.”
Marami namang netizens ang humanga sa ginawang ito ng delivery rider. Magagandang komento ang sinabi nila sa rider na sana’y tularan ng iba pang riders. Mensahe naman nila sa mga taong nagka-cancel ng kanilang order, makonsensiya raw sana sila at isiping nagtatrabaho ng maayos ang mga riders.
Source: theartikulouno
Source: Furry Category
No comments