Nagulat ang mga netizens nang malaman kung sino ang mascot na nakatulg sa kalye sa sobrang pagod.
Larawan ay mula sa rhmadii - Instagram |
Sa panahon ngayon ay napakahirap magahanap ng trabaho lalo na kung ikaw ay may edad na sa buhay o di kaya´y nasa muranang edad pa lamang. Kaya naman kung ikaw ay may trabaho ngayon madali at maganda dapat mong alagaan at mahalin.
Sa hirap naman ng buhay ay marami sa atin ang doble kayod at kinakaya ang hirap ng trabaho upang kumita ng mas maganda para may pangtustos at makain sa araw araw na buhay.
Ito ngayong ang kinakaharap ng isang bata na nag ngangalang Rehan, kung saan ang batang ito ay maagang nagsusumikap sa buhay upang may maitulong sakanyang pamilya.
Ang mga bata ay dapat nag-aaral at nalalaro upang ma-enjoy ang pagkabata ngunit iba kay Rehan dahil sa murang edad pa lamang ay namulat na siya sa pagsusumikap para makatulong sa kanyang magulang.
Narito ang kwento ni Rehan na viral ngayon sa social media:
Ayon sa nasabing post, si Rehan ay 9 na taong gulang lamang. Maaga itong gumigising at nilalakad nito araw-araw ang mahigit sa 10 kilomentrong layo sa kanyang trabaho. Kung saan ito ay nagtratrabaho bilang mascot sa Jalan Gatot Subroto na matatagpuan sa South Kalimantan, Indonesia.
Ang kanyang trabaho ay nagbibigay aliw sa mga tao na dumadaan katulad ng mga empleyadong pumapasok sa trabaho at mga driver na madalas naiipit sa traffic sa daan.
Dagdag pa ng nagbahagi sa istorya ni Rehan, ito daw ay ginagawa ni Rehan para matulongan ang kanyang Ina.
Bagama’t may trabaho ang kanyang ina ngunit alam nito na hindi sapat ang kinikita. Kaya sa kagustuhan nitong tumulong ay pinasok niya ang ganitong uri ng trabaho.
Hindi biro ang maging mascot, bukod sa init na sinusuot nitong costume ay hindi rin biro ang bigat ng tela na ginagamit dito. Kaya masasabing sobrang nakakapagod ang trabaho ni Rehan na ito lalo’t siya ay nasa murang edad pa lamang na dapat ay nag lalaro at nag-aaral imbes na magbanat ng buto.
Ayon pa kay Rehan, alam nito na mahirap ang trabahong kanyang gingawa at malayo ang kanyang nilalakad upang makarating sakanyang pinagtratrabahuan. Pero masaya naman siya na nakakatulang siya sa kanyang ina.
Ang determinasyon ni Rehan na makatulong sa kanyang ina ang siyang nagpapatibay sa kanyang ginagawa. Sana´y ang kwneto ni Rehan ay maging inspirasyon sa ating lahat para hindi tayo sumuko at lalo tayong magsumikap para mabuhay.
Source: rhmadii - Instagram
Source: Furry Category
No comments