Masasayang panahon na kay sarap balikan
Larawan ay mula sa Facebook |
Kaysarap balikan ang kagamitan at laro ng kabataan noon at kaysarap isipin na ang mga bata ay masaya at kuntento.
Kung ikaw ay batang 90's na laki sa probinsya at sa hirap alam kong naranasan mo ang mga ito. Kung hindi mo na maalala ating balikan at muling alalahanin ang ilan sa mga masasayang bagay noong tayoý mga bata pa.
Ito yung dating makapal mong tsenilas na naging ismagol na dahil sa kakalaro at kakagala.
Isa ka ng dakilang batang 90's kung nahawakan mo na ito. Ginagamit 'to noon sa paghahanap ng gagamba.
Yung para kang sira ang ulo na kapag lomobo, bubutasan tapos palolobohin ulit, ito yung kapag pinalobo mo at pumutok pwede mo ring gawing chewing gum.
Hindi lang yan basta basket lang, Portable Refrigerator namin yan noon.
Yan ang ilaw namin noon "Lampara".
Teks, ito yung binenta ng kalaro ko sa halagang tres,tapos sya din ang magiging kalaban ko.
"Bang bang!ops kunwari patay ka na" the best linyahan kapag may baril barilan,di nyo lang alam guys talo ko pa sina Lito Lapid at Rudy sa pagiging action star ko noon.Kapag wala pambili,pwede na rin yung sanga ng saging.
Ito yung water despenser namin noon,hindi na kailangan ng yelo.
Astig na mga tattoo ba kamo, panis si tado at boy burdado sa balat namin noon.
7 years old magaling na kami noon sa gawaing bahay.
Panggatong, ginagamit sa pagluluto,ginagamit din ni Inay pamalo.
Larawan ay mula sa Facebook
May "CAR" din kami noon, CARabao.
Sa tuwing napapahinto ka at naaalala ang nakaraan, bigla mong nasasabi sa iyong sarili ang "..ang sarap talaga maging bata!".
Source: Facebook
Source: Furry Category
No comments