Header Ads

Lugar sa Pilipinas na Hari at Reyna ang Namumuno at May Sariling Pera na ginagamit

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video


Dito sa ating bansa, nakagisnan nating presidente ang pinuno na siyang iniluklok ng mga mamamayan sa tuwing nagaganap ang halalan. Sa ibang bansa naman, hari at reyna ang namumuno sa kanilang mga nasasakupan at madalas itong ipinapasa ng magulang sa kanilang mga anak. Tinagurian silang mga dugong bughaw at mataas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video

Ngunit, usap-usapan ngayon na mayroon daw lugar dito sa Pilipinas na pinamumunuan mismo ng hari at reyna. Ang balita pa’y may sariling pera daw silang ginagamit sa kanilang lugar.

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video

Ang sinasabing lugar na may hari at reyna – Iligan City, Mindanao. Sinasabing hari at reyna ang namumuno rito at may sarili silang pera na ginagamit sa kanilang lugar na tinatanggap naman sa pamilihan.

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video


Minsan na nga raw itong ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Hindi nga makapaniwala ang ilang tao na mayroon palang ganito sa Pilipinas.

Ang lugar nila ay tinatawag na Kingdom Filipina Hacienda, at katulad ng ibang lugar ay mayroon itong kasaysayan. Matatagpuan umano ang kastilyo sa Pala-o, Iligan City.

Sa Facebook page ng nasabing programa, ipinakita rito ang ilang larawan ng sinasabing kastilyo, mga naninirahan na hari at reyna, at ang pera na ginagamit nila na tinatanggap din umano sa pamilihan.


Source: nationspress.net



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.