Header Ads

Mga mamimili, dinagsa ang sale sa isang shoe store sa Cebu City

Larawan ay mula sa Philstar.com - Facebook Pgae


Viral ngayon ang isang larawan kung saan makikita ang napakaraming bilang ng mga tao na nag-aabang sa 11:11 sale sa Cebu City.

Sa Facebook page ng “The Freeman,” makikita sa litrato kung gaano karaming tao ang nasa isang shoe store sa Samson Road, Barangay Lahug, Cebu City.

Kahit na may mga suot namang facemask at face shield, hindi nagustuhan ng ilang netizens ang nangyaring pagtitipon dahil na rin sa hindi nasunod ang physical distancing, na isa sa mga health protocols na dapat sundin sa nararanasang pandemya.

Makikita kasi sa tarpaulin ng nasabing shoe store ang ad na nagsasabing maaaring makabili ng dalawang pares ng sapatos sa halagang P998.

Larawan ay mula sa Philstar.com - Facebook Pgae

Larawan ay mula sa Philstar.com - Facebook Pgae

Larawan ay mula sa Philstar.com - Facebook Pgae

Larawan ay mula sa Philstar.com - Facebook Pgae


Komento ng isang netizen, dapat daw na mabigyan ng karampatang parusa ang mga may-ari, staffs, at mga mamimili. Sinang-ayunan naman ito ng iba pang netizens. Hirit pa ng ilan, hindi raw magandang ideya ang magkaroon ng physical sale promo sa mga store. Kahit man lang daw sana sa online purchasing na nila isinagawa ang sale para hindi na kailanganin pang lumabas ng tao sa kanilang mga bahay. Dagdag pa rito, may posibilidad na muling kumalat ang v¡rus at magkahawa-hawa pa ang mga tao.

Larawan ay mula sa Philstar.com - Facebook Pgae

Larawan ay mula sa Philstar.com - Facebook Pgae


Ayon sa Department of Trade and Industry, kasalukuyan nang ipinasara ang shoe store sa kadahilanang hindi umano sila sumunod sa ipinapatupad na health protocols.

Matatandaang isa ang Cebu sa nakapagtala ng matataas na kaso ng cor0nav¡rus d¡sease 2019 (C0V¡D-19).



Source: Philstar.com - Facebook Pgae


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.