Header Ads

International Vlogger, Ido-donate ang lahat ng malilikom na pondo sa Pilipinas

Larawan ay mula sa thedailysentry.net


Bagyong Rolly at bagyong Ulysses – ilan lamang ito sa mga bagyong nangwasak at kumitil sa buhay ng maraming tao sa Pilipinas. Maraming ari-arian din ang napinsala at maraming bahay ang nasira.

Dahil sa nangyaring sakuna, iba’t ibang personalidad ang nais magbigay ng tulong sa mga lugar na labis na naapektuhan ng mga bagyo at ng malawakang pagbaha.

Kabilang na rito si Nuseir Yassin, ang Nas Daily vlogger, kung saan magsasagawa siya ng isang charity event. Ilulunsad daw niya sa kauna-unahang pagkakataon ang nasabing event kung saan ang perang makukuha niya mula sa mga mag-e-enroll sa kanyang master class, ay mapupunta sa lahat ng mga taong nasalanta ng bagyo sa Pilipinas.

Larawan ay mula sa Google


Kada isang participant na mag-e-enroll sa klase ni Yassin ay magbabayad ng US$49 o mahigit P2,300. Magaganap ang kanyang masterclass sa Nobyembre 28.

Mababasa naman sa kanyang Facebook page na Nas Daily ang, “Dear Philippines,

I have received many messages regarding the floods. Instead of making a video, I decided to actually do something about it!!!!

Larawan ay mula sa Google


So I opened a Full 1-Day Charity Class on Nas Academy only for Philippines. Every single dollar we make from it will go directly to victims of the floods. Everything!

So this way it’s a win win. You learn a new skill from Nas Academy, and you directly help people in need. And we teach people!




Mga larawan ay mula sa Facebook


I opened up ONE COURSE for next week on Nov 28th.

Go here to claim your spot in the FIRST EVER CHARITY CLASS ON NAS ACADEMY!!

https://ift.tt/3f23f6c

Stay safe. Stay strong. Stay you.”

Nagpasalamat naman ang ilang netizens dahil sa pagmamalasakit ng naturang vlogger sa mga Pilipino.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.