Header Ads

Pinay OFW Sa Saudi, tinulak daw Mula Sa 4th Flr Ng Gusali

Larawan ay mula sa post ni Aljhean Michelle Pepito-Lao Balabag - Facebook


Kritikal pa rin hanggang ngayon ang isang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) matapos umanong ihulog ng katrabahong Arabo sa Saudi.

Hinulog umano ang biktimang si Janet Calayag, ayon sa kanyang mga katrabaho. Sa video na kumalat sa social media, maririnig ang tinig ng katrabaho ni Calayag na siyang nakakita sa katawan ng biktima matapos mahulog sa ikaapat na palapag ng gusali. Ito raw ay bunsod ng tsismis na tatakas si Calayag.

Ayon naman sa kasamahan ng OFW, kinulong daw ito sa katabi nilang flat. May nagsumbong daw na kapwa empleyado na tatakas ang biktima.

Larawan ay mula sa post ni Aljhean Michelle Pepito-Lao Balabag - Facebook


Naniniwala naman ang mga katrabaho ni Calayag na may nangyaring foul play sa aksidenteng naganap. Ayon sa kamag-anak ng OFW na si Princess Anne Reyes, nagtamo ng tama sa bungo ang biktima. May mga katrabaho din daw ang OFW na saksi sa nangyari at kasalukuyan namang naka-admit si Calayag sa Erfa Hospital.

Larawan ay mula sa post ni Aljhean Michelle Pepito-Lao Balabag - Facebook


Bago pa man mangyari ang insidente, napag-alamang nais daw ni Calayag na umalis sa agency na kanyang pinagtatrabahuan bilang tagalinis dahil sa kabawasan sa kanyang suweldo. Hindi umano nagustuhan ng guwardiya ang ideya ng biktima kaya humantong sa ganoong kaganapan ang lahat.

Taga-Malolos, Bulacan ang OFW at isang single mother. Hangad naman ng kanyang pamilya na matulungan si Calayag na makauwi ng Pinas at mabigyan ng pantay na imbestigasyon at immediate assistance.

Samantala, hinaing naman ng mga katrabaho ng biktima na maimbestigahan ang kompanyang pinagtatrabahuan nila dahil ipinagsasawalang bahala lamang umano nila ang nangyaring insidente.






Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.