Header Ads

Lolo nakakuha ng libreng Shopee package sa gitna ng bagyong Ulysses

 

Source: Erwin Calicoy
            Kahit nakararanas na ng sakuna o problema ang mga tao, nakahahanap pa rin sila ng mga bagay na puwede nilang mapagtuunan ng pansin upang sumaya.
Source: Erwin Calicoy

            Sa video na ini-upload sa Facebook ng isang netizen na may username na Erwin Calicoy, makikita kung paano inanod ng baha ang isang plastic bag na tila may laman. Habang kinukuha ito ng isang matandang lalaki, sumisigaw ang mga kumukuha ng video ng “Shopee, Shopee, Shopee!”
Source: Erwin Calicoy

           Nang tuluyan na itong makuha ng matandang lalaki, binuksan niya ito at natuklasang naglalaman ito ng mga damit, sigarilyo, relo, at iba pang mga bagay. May nakuha pang salamin at pabango mula rito. Nag-aasaran nga ang mga residenteng naroon na nakakuha ang lalaki ng mga grocery. Gayunpaman, may ilang gamit ding itinapon ang nakakuha ng plastic bag.
Source: Erwin Calicoy

 Umani naman ito iba’t ibang komento mula sa mga netizens:

“Pinoy talaga nag kakatuwaan pa hahaha keep safe kayo diyan author.”

“Bakit yung mga di kailangan itinatapon pa sa tubig, kaya nagbabaha.”

Source: Erwin Calicoy

        “Katuwaan lang naman po ata nila yan.sa kabila ng mga nangyari sakanila nagawa parin nilang tumawa at magsaya Sana Naman wag niu nang ipagkait sakanila yan.sa taas ba Naman ng baha tas lamig na lamig na c Lolo maghahanap pa sya ng basurahan .hayaan niu na silan magsaya good vibes lang pwedi? Haiiiinalang.”

Source: Erwin Calicoy

“Sana naisip nilang isauli pagkatapos ng baha. Ang pangit na example naman.”

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 129,000 reacts at 6,900 comments ang naturang post.


Source: Erwin Calicoy


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.