Header Ads

PWD na LGBT member, walang awang pinabub0b0g; Huli sa Video

Larawan ay mula sa Facebook post ni Kawaii Kho


Viral ngayon sa social media ang video kung saan nakita kung paanong nagsabwatan ang dalawang kasapi ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Community sa pambubugbog sa kanilang kapwa LGBT member na isang person with disability (PWD).

Larawan ay mula sa Facebook post ni Kawaii Kho

Larawan ay mula sa Facebook post ni Kawaii Kho

Larawan ay mula sa Facebook post ni Kawaii Kho

Puno ng galit ang Facebook post ni Kawaii Kho, ang nagpakilalang kaibigan at kinakapatid na biktimang si Apa o mas kilala bilang si Linda Serrano. Sinabi ni Kawaii na magkasabwat daw ang dalawang LGBT nang mangyari ang insidente sa loob ng isang salon sa Ma-a Buhangin, Davao City.

“Hayop ka LGBTQ ka pa naman ,Nginginig ako at naluha ng napanuod ko videong ito na isang matalik kong kaibigan at kinakapatid kuna na isang PWD,” ani Serrano sa kaniyang post.

Sa video, makikita ang isang nakadamit ng kulay dilaw na T-shirt. Nang makaalis ang mga kustomer sa loob ng salon, lumapit ito sa pintuan at tila binantayan ito.

Kasama ng nakadilaw ang isang nakasuot ng itim na uniporme marahil ng salon. Lumapit ito kay Apa at sinimulan niya itong bugbugin. Hinablot nito ang buhok ni Apa at hinatak sa sahig. Kitang-kita rin sa video na halos hindi makalaban ang biktima at pag-iyak lamang ang tanging nagawa niya. Habang nangyayari ang pambubugbog, masisilayan din ang ilang taong nasa loob ng salon na nanonood lamang.

Matapos ang ginawang pananakit, umalis agad ang nakauniporme ng itim. Lumapit naman ang nakadilaw at kunwari umanong pinatahan at tinulungan ang biktima.

Larawan ay mula sa Facebook post ni Kawaii Kho

Larawan ay mula sa Facebook post ni Kawaii Kho


“Binugbog mo at wala manlang umawat at Tumolong, kinawawa at walang kalabanlaban si Apa , kong may kasalanan man sayo si APA Sana pina intindi mo at kayo na Sana mag adjust kasi pipi ‘yong tao,” dagdag pa ng kaibigan ng biktima.

Pagpapatunay ni Serrano, mabait daw na tao si Apa. Aniya pa, pinaintindi na lamang daw sana ng mga nambugbog kay Apa ang kanilang problema upang sa gayon ay naiwasan ang nasabing insidente.

“kilala ko si apa matalik kaming mag kaibigan nyan. Mukhang suplada pero mabait at mapagbigay yan . kahit may nagawa man cyang mali Sana pilit nyo ipa intindi mali nyang nagawa kasi nga Pipi yong tao, PWD yong tao kinawawa mo, kilala ko c apa nakaka intindi yan pag pinagsasabihan mo kong mali nagawa nya.”

Hangad naman ni Serrano na makulong ang mga magkakasabwat sa pambubugbog kay Apa.

“Sana Makulong kyo ginawa nyo kaibigan ko na tinuring ko kapatid, mga hayop kayo, karma Sana kyo ginawa sa kanya, patulong naman share nyo ito para matulongan at makulong ang dalawang taong ito.”



Source: Kawaii Kho - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.