Viral: Mga batang Napapaiyak dahil sa Mahaba nilang mga Pangalan
Larawan: Screenshot mula sa 24 Oras |
Dalawang bata ang napaiyak sa kadahilanang mahirap daw isulat ang pangalan nilang mahahaba.
Ipinalabas sa programang “24 Oras” ang kuwento ng dalawang bata na napaiyak na lamang dahil sa haba ng kanilang pangalan.
Ayon sa limang taong gulang na batang si Grayven Thomas Valdez, gusto na raw niyang bawasan ang kanyang pangalan at papalitan na lamang ito ng “Boy Valdez.” Gayunpaman, kabisado naman niya ang ispeling ng kanyang pangalan. Huminto lang daw sa pag-iyak si Grayven nang sabihin ng kanyang mga magulang na papalitan na ang kanyang pangalan sa city hall.
Napahagulgol din ang isang batang babae dahil sa pagkakaroon niya ng mahabang pangalan. Ang nasabing bata ay si Redge Wilslet Nicole Marcelo Timoteo, anim na taong gulang. Kuwento ng kanyang ina na si Regine Marcelo, s-in-uggest ng ate ni Redge ang “Redge Wilslet,” habang gusto naman niya ang pangalang “Nicole.”
Kung tutuusin ay maiikli pa ang kanilang pangalan kaysa sa pangalan ng taong may hawak ng Guinness World Record for longest name na may 57 letra.
Ayon naman kay Prof. Jimmuel Naval, isang cultural analyst at historian, “’Yong pangalan natin is based sa kakisigan mo. Kung ikaw ay maganda, e ‘di Maganda pangalan mo, kung gwapo, Gwapo or Malakas.”
Saka lamang tayo nagka-apelyido nang dumating ang mga Kastila, at kalaunan ay naging status symbol na ang pagkakaroon ng mahabang pangalan.
“Hindi naman sa pangalan ‘yan e. Kundi sa kabutihan ng tao at sa performance niya,” dagdag pa ni Prof. Naval.
Source: 24 Oras - GMA Network
Source: Furry Category
No comments