Header Ads

Sa Gitna Ng Pananalasa ni Ulysses, Isa si Sofia Andres sa naghahanap kay Pangulong Duterte.

 

Larawan ay mula sa Google

Nang humagupit ang bagyong Ulysses, malaking bahagi ng bansa ang naapektuhan kaya marami sa ating mga kababayan ang lubhang napinsala sa pagragasa nito. Bunsod ng walang tigil na pag-ulan, bumaha sa maraming parte ng Metro Manila at iba pang probinsya. 


Matapos kumalat sa social media ang pinsalang naidulot ni Ulysses sa bansa ay nag viral nanaman sa social media ang #NasaanAngPangulo kung saan ay hinahanap ng mga netizens si Duterte.


Napataas ang kilay ng ilang netizen sa Instagram story ng Kapamilya actress na si Sofia Andres matapos itong makisali sa paghahanap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google


Isa si Sofia sa mga artista na nakisali sa paghahanap kay Duterte at ginamit ang NasaanAngPangulo hashtag.


Matapos makatanggap ng batikos si Sofia ay binura niya rin ang kanyang Instagram story.


Ngunit hindi pa rin na kaligtas si Andres sa mga ilang netizen at hindi napigilan na magbigay ng komento sa kanyang i-p-i-nost sa IG.


Sa kabilang banda ipinaliwanag naman ng Pangulo na nakapaghanda na ang gobyerno bago pa man dumating ang bagyo at hindi rin sila natutulog dahil sa pagmamatyag sa sitwasyon ng bansa.

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google


“The goods are there, people have been mobilized and deployed, kaya pagdating ng bagyo nagtrabaho na sila. Kaya sinabi walang ginawa, wala kaming tulog dito,” ani Duterte.


Nagsagawa na rin ng aerial inspection si Pangulong Duterte upang makita ang pinsala na naidulot ni Ulysses.


Patuloy parin ang rescue operations sa iba’t ibang parte ng Luzon upang masagip ang mga taong na-stranded sa kanilang mga tahanan.



Source: viralissueph.com


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.